December 13, 2025

Home BALITA

Kongresista, nag-alok ng ₱500K sa makakapagbigay ng impormasyon sa anomalya ng DPWH

Kongresista, nag-alok ng ₱500K sa makakapagbigay ng impormasyon sa anomalya ng DPWH
Photo Courtesy: Duke Frasco (FB), Pexels

Nakahandang magbigay si Cebu 5th District Rep. Duke Frasco ng ₱500,000  para sa sinomang makakapagturo ng anomalya o iregularidad kaugnay sa flood control projects sa kaniyang nasasakupan.

Sa isang Facebook post ni Frasco nitong Biyernes, Setyembre 5, sinabihan niya raw agad ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office na magsagawa ng pagsusuri sa lahat ng flood control projects sa ikalimang distrito ng Cebu.

Ito ay matapos manawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magkasa ng pambansang imbestigasyon sa anomalyang nasa likod ng proyektong pipigil sana sa pinsalang dulot ng pagbaha.

MAKI-BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“I will never tolerate any irregularities or substandard work, and I fully support efforts to uphold transparency and accountability in all government-funded projects,” saad ni Frasco.

Dagdag pa niya, “Thank you for your attention to this matter!”

Maaaring iulat ninoman ang impormasyong mayroon siya sa pamamagitan ng hotline na 0956 279 4183 at sa numero ng Citizens’ Complaint Hotline na 8888.