December 13, 2025

Home BALITA

‘Isang taong exile:’ Roque, aminadong paubos na savings

‘Isang taong exile:’ Roque, aminadong paubos na savings
Photo courtesy: screengrab Harry Roque

Ibinahagi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang kaniya raw sitwasyon matapos ang isang taon niyang pag-alis sa bansa.

Sa kaniyang Facebook live noong Huwebes, Setyembre 4, 2025, iginiit ni Roque na paubos na raw ang kaniyang savings matapos ang isang taon niyang pananatili sa labas ng bansa.

“Noong akwatro ng Setyembre, ang katunayan po lumuha ako noong night before. Dahil alam ko hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa aking Inang Bayan, na paulit-ulit kong iniwan pero palagi ko pong binalikan,” ani Roque.

Dagdag pa niya, “Itong nakalipas na taon po, mahirap po ang aking kalagayan, dahil unang-una po hindi tayo nakapagtrabaho. Nabubuhay po tayo sa kaunting savings natin na alam naman nating mauubos na rin.”

Politics

‘Isa kang boba!’ Larry Gadon, pinagbibitiw si VP Sara

Sa pagiging self-proclaimed exile daw niya at kasalukuyan ding asylum seeker, ibinahagi rin ni Roque na matagal na raw niyang hindi nakakapiling ang dalawa niyang anak.

“Sa isang taon, isang araw at kalahati ko lang nakita ang aking dalawang anak. Ito po’y noong Enero. Kasi po maski noong Pasko, hindi kami pinayagan noong aming host na magsama-sama kinailangan pa naming umalis doon sa lugar na kung nasaan kami, para magkaroon ng reunion,” saad niya.

Matatandaang kasalukuyang umaapela ng asylum si Roque habang nakabinbin ang kaso niya dahil sa umano’y human trafficking na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

MAKI-BALITA: Harry Roque, maghahain ng asylum sa The Netherlands

MAKI-BALITA: Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO

Pero bago pa man ito, nauna na siyang binabaan ng arrest order matapos ang hindi pagdalo sa House inquiry para sa POGO Lucky South 99, na siya ang lumalabas na umano'y legal counsel.

MAKI-BALITA: Roque, ipina-cite in contempt dahil hindi isinumite ang SALN at iba pang dokumento sa House QuadCom