December 12, 2025

Home BALITA National

Dizon, prayoridad pagrepaso ng DPWH budget

Dizon, prayoridad pagrepaso ng DPWH budget
Photo courtesy: House of Representatives (YT screenshot), MB

Ipinanukala ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon ang maayos na alokasyon ng budget sa ahensya sa kasagsagan ng mga maanomalyang ng flood control projects. 

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Biyernes, Setyembre 5, kinilala ng kalihim ang mga umano’y korapsyon na nangyayari sa loob ng DPWH at ang umano’y “paglulustay ng kaban ng bayan” sa mga “ghost projects.” 

Sinangayunan ni Dizon ang sinabi ni Minority Leader Rep. Marcelino Libanan na i-rationalize ang paggamit ng pondo.

“Isa sa mga pinakamalaki nating priority ay ang pagrerepaso ng flood control budget. Napakalaki po nito, mahigit 30 porsyento ng ₱880 bilyong DPWH budget ay nasa flood control,” pagbabahagi nito. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Hindi lang po ₱250, ₱268.3 bilyon ang nakalagay sa flood control,” paglilinaw nito sa partikular na bilang na nakalaan sa proyekto ng ahensya. 

Ayon din kay Dizon, ito ang dahilan kung bakit kailangang ayusin ang mga alokasyon ng pondo na mula rin daw sa taumbayan. 

“It will start obviously with science. Kailangan po science-based ito. Hindi puwedeng kung saan-saan na lang po kinukuha ang numero, at kung saan-saan na lang po nilalagay. Kailangan po nilalagay ito base sa siyensiya,” aniya pa. 

Tiniyak din ni Dizon ang mga kongresista sa kamara na isasaakto niya ito bilang bagong kalihim ng DPWH. 

Sean Antonio/BALITA