December 12, 2025

Home BALITA National

'Di lang mga kontraktor! Mga politikong sangkot sa maanomalyang flood control projects, dapat ding managot —Akbayan president

'Di lang mga kontraktor! Mga politikong sangkot sa maanomalyang flood control projects, dapat ding managot —Akbayan president
photo courtesy: Nicole Therise Marcelo/BALITA

Bukod sa mga kontraktor, dapat ding managot ang mga politikong sangkot sa mga maanomalyang flood control projects, partikular sa ghost projects, ayon kay Akbayan President Rafaela David. 

Nitong Biyernes, Setyembre 5, nagkilos-protesta ang mahigit 100 miyembro ng Akbayan Partylist, Youth Against Kurakot at iba pang civil society groups, sa harap ng St. Gerrard Construction sa Pasig City, upang ipananawagang panagutin ang mga Discaya, pati na rin ang iba pang mga kontraktor, public officials, at politikong sangkot sa umano'y korapsyon sa flood control projects. 

Ayon kay David, "tip of the iceberg" lang ang mga Discaya sa isyu at kailangang managot din ang mga politikong sangkot sa anomalya. 

"Gusto natin malaman syempre lahat ng sangkot kasi alam natin ng tip of the iceberg lang 'yong mga Discaya. Syempre, sino 'yong mga public servant, politiko na hinayaang mangyari 'yong ganitong klaseng ghost project at sino rin 'yong nakinabang," aniya sa panayam sa Balita habang isinasagawa nila ang kanilang kilos-protesta. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

"Hopefully, sa mga imbestigasyon na mangyayari in the coming days ay makita natin sino talaga 'yong mga political leaders din natin na kasama rito," dagdag pa niya. 

Samantala, ipinanawagan din ni David na dapat i-freeze ang assets ng mga kontraktor at iba pang sangkot na public officials sa anomalya sa flood control projects. 

“Hindi sapat na ilagay sa travel bulletin or tanggalin ang accreditation nila. Dapat i-freeze agad ang mga assets ng Discayas at lahat ng sangkot na kontraktor. Ninakaw nila ito mula sa taumbayan at dapat maibalik ito sa kaban ng bayan,” anang Akbayan presidente. 

Matatandaang naglabas ng listahan ang Department of Justice (DOJ) ng mga indibidwal na malalapatan ng Immigration Lookout Bulletin order (ILBO) na may kaugnayan sa maanomalyang flood-control projects, kabilang ang mag-asawang Discaya na sina Sarah at Curlee. 

Maki-Balita: DOJ, nagpataw ng lookout order sa 43 kataong sangkot sa flood-control projects; mag-asawang Discaya, nangunguna sa listahan

Bunsod naman ng isinasagawang imbestigasyon, sinibak na sa serbisyo si dating DPWH Regional Director Henry Alcantara, sa pagkukumpirma ni DPWH Sec. Vince Dizon noong Setyembre 4.

Maki-Balita: Dating DPWH Regional Director Henry Alcantara tanggal na sa serbisyo, kakasuhan pa!

At nitong Setyembre 5 nang hinatulang guilty si Alcantara dahil sa pagkakaugnay nito sa ghost flood control projects sa naturang probinsya.

“Henry C. Alcantara, former District Engineer, is found GUILTY AS CHARGED of the administrative offenses of Disloyalty to the Republic of the Philippines and to the Filipino People, Grave Misconduct, Gross Neglect in the performance of duty, and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service,” saad sa desisyon na pirmado ni Dizon.

Maki-Balita: DPWH District Engineer, guilty sa kasong administratibo kaugnay sa flood control project