Binanatan ni Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila De Lima ang mga indibidwal na kasangkot umano sa maanomalyang flood-control projects.
Ayon sa post ni De Lima sa kaniyang Facebook ngayong Biyernes, Setyembre 5, pinunto niyang “kakapalan ng mukha” ang maaari umanong dahilan ng kawalan ng hiya ng mga taong sangkot sa sinabi niyang palpak na mga proyekto.
“Kaya siguro hindi nahihiya yung mga sangkot sa anomalya. Mas makapal pa ang mukha nila sa sementong ginamit sa palpak na flood-control projects” saad ni De Lima sa kaniyang post.
Sinang-ayunan naman ng mga tagasubaybay ni De Lima sa kaniyang account ang kaniyang nasabi.
Ani ng mga tao, sobrang garapal na umano ng mukha ng mga indibidwal na pinapasaringan niya at hindi na marunong mahiya.
May ilan pang mga nagsabing darating din umano ang karma para sa mga taong sangkot sa palpak na proyekto na nabanggit ni De Lima.
Narito ang ilang mga komentong iniwan ng mga nakabasa sa nasabing post ni De Lima:
“Karma's got a message! Easy come, easy go - a reminder that what goes around comes around. Let's focus on doing good and being kind, and the universe will take care of the rest!”
“WE WILL ALWAYS HAVE SUB-STANDARD PROJECTS IF WE KEEP VOTING FOR SUB-STANDARD LEADERS!”
“Super garapal po.”
“Nailed it, Cong. Leila!”
“Omg kawwa po talaga nasa laylayan..salamat po bless day.”
“Tama ka Madam Leila!”
“Sobra nakakagalit na mismo mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan ang kumikulimbat sa kaban ng Bayan kasangkot mga ganid na contractors. Ito matinding dahilan kaya tayu lugmok sa hirap[...]”
“Ma’am may bidding po iyan kapag nanalo ka may dokumento po lahat iyan na pinipirmahan. Nakapirma po doon ang District Engineer at Contractor. Minsan nandoon nakapirma din ang pulitiko dahil sa kaniya ipapangalan ang projects[...]”
“Tama po kayo Maam , dito nga po sa lugar na tinitirahan namin ilan buwan laang sira na mga ginawa takip ng mga kanal po.”
Matatandaang noon pa man, aktibo na si De Lima na makisangkot sa usapin ng maanomalyang flood-coltrol projects sa pamamagitan ng kaniyang social media accounts.
KAUGNAY NA BALITA: De Lima sa maanomalyang flood control projects: 'Sobra-sobra na ang kawalanghiyaan!'
Ibinahagi ni De Lima noong Agosto 30 sa kaniyang X account ang kaniyang pagkuwestiyon kung ilang beses na umanong nakalusot ang isyu patungkol sa mga proyektong pipigil sana sa malawakang pagbaha.
“Ilang beses na kayang nakalusot ang ganitong mga kalokohan. Sobra-sobra na ang kawalanghiyaan,” saad noon ni De Lima.
KAUGNAY NA BALITA: De Lima, hinimok iba pang kasangkot umano ng DPWH sa ‘kalokohan’ na mag-resign na
MC Vincent Mirabuna/Balita