December 12, 2025

Home BALITA National

COMELEC, inanunsyo na ang Overseas Voter Registration para sa 2028 elections

COMELEC, inanunsyo na ang Overseas Voter Registration para sa 2028 elections
Photo courtesy: MB, Unsplash

Inanunsyo na ng Commission on Elections (COMELEC) ang registration period ng Overseas Voter Registration para sa eleksyon sa 2028 nitong Huwebes, Setyembre 4. 

Ayon sa anunsyo ng COMELEC sa social media post nito, ang registration period ay magsisimula sa Disyembre 1, 2025 hanggang Setyembre 30, 2027. 

Nag-abiso rin ang ahensya na mainam ring kasama sa registration ang mga kabataang tutungtong sa edad na 18 sa Mayo 8, 2028.

Para sa mga hindi pa rehistrado, narito ang mga dapat dalhin na dokumento: 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

- Valid Philippine passport

- Seafarer’s Record Book (SRB) para sa mga seafarer o marino

- Orihinal o certified true copy ng Order of Approval of Filipino Citizenship o Identification Certificate para sa mga dual citizen

Ang mga nasabing dokumento ay maaaring i-file sa Philippine Embassy, Consulate, Manila Economic and Cultural Office, o designated Post abroad, o sa mga designate registration centers sa Pilipinas. 

Sa kaugnay na balita, sa artikulo 5, seksyon 1 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, binibigyang karapatan ang bawat mamamayan ng bansa na bumoto at maghalal ng mga lider na mamumuno sa gobyerno. 

Bilang democratic at republican state, ang mga Pilipino ay konokonsiderang soberanya ng Saligang Batas para gumawa ng mga desisyon na makaaapekto sa bansa at pamahalaan nito. 

Kung kaya sa Republic Act No. 9189 o ang “The Overseas Absentee Voting Act of 2003”, binibigyan din ng karapatan ang mga manggagawang Pilipino  sa ibang bansa at Filipino citizens overseas na bumoto ng mga uupo sa pagka-Presidente, Bise Presidente, at Party-List Representatives.

Sean Antonio/BALITA