December 13, 2025

Home BALITA

BFP at volunteers, rumesponde sa isang nasusunog na truck; AI generated lang pala!

BFP at volunteers, rumesponde sa isang nasusunog na truck; AI generated lang pala!
Photo courtesy: Recto Engine (FB)

Nagmamadaling rumesponde ang mga bombero sa naiulat sa kanilang nasusunog umanong truck ngunit laking gulat nila nang madatnang hindi naman pala talaga ito nasusunog.

Apat na fire truck, kabilang ang isa sa Bureau of Fire Protection - Manila, ang agad na rumesponde sa nasabing nasunog na truck noong Huwebes, Setyembre 4 sa Brgy. 20 Parola, Maynila.

Ngunit nang dumating ang mga bombero at volunteer sa nasabing lugar, lumantad sa kanila ang hindi nasusunog na truck sa nasabing lugar.

Ayon sa ibinahagi ni Samuel Fenix, fire chief ng Recto Volunteer, hinanap umano nila ang truck na iniulat sa kanila ng isang follower nila sa Facebook ngunit lumabas na isa pala itong Artificial Intelligence o AI generated.

'Di kami namimilit!' Mga Duterte, nananatili hangga't gusto ng tao—FPRRD

“Hinanap namin at buo naman ‘yong truck. Ang AI [Artificial intelligence], akala mo parang totoo na talaga, e,” saad ni Fenix.

Dagdag pa niya, “‘Yong follower namin, ang sabi sa kaniya, sinend lang din sa kaniya [at] naalerto lang din siya.”

Sa mga larawang ibinahagi ni Fenix sa kanilang page, makikita ang pagresponde nila at ng mga bombero sa naturang truck na hindi totoong nasunog.

Hiniling nila na sana managot ang kung sinoman na nagpakalat ng pekeng larawan ng sasakyan

“Sa gumawa neto sana managot,” saad nila sa kanilang post.

Sa kabilang banda, bagama’t lumabas na walang totoong napinsalang sasakyan, dismayado naman ang mga tao dahil sa ganitong uri ng mga larawan na kumakalat sa loob ng social media.

Anila, mahirap nang magtiwala ngayon basta-basta sa mga nakikitang larawan sa online dahil sa dulot ng lumalalang pang-aabuso ng mga tao sa paggamit ng AI.

Narito ang ilang komento na iniwan ng mga tao sa naturang post ng Engine Recto:

“Sira talaga gumawa nyan Hindi nag iisip managot Dapat Ang nag Bato nya. Hanapin kung Sino unang nag post.”

“Iba na Ang earth Ngayon chief kung ano ano na pinag gagawa nila,kundi fake call,nag susunog Ng tanso sa loob Ng Bahay Ngayon fake na sunog Naman.”

“K*pal gumawa Nyan . Busit na Nyan AI . Dpt tinanggal na Ang AI at nang aabala sa mga tao.”

May future editor Neto. May future sa kulungan.”

“Parang totoo talaga, ket yung tatay kong firefighter maniniwala rin e.”

“Madali lang naman yan matrace na nagpost o fake call kung matino lang sanang paggobyerno pinipili natin[...]”

“Ai gawa yan kahit pic or video pwedeng gawan.ng AI YAN.”

“Katakot ang AI ngaun.”

Hindi pa rin natitiyak ng mga awtoridad kung sino ang tunay na nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng nasusunog na truck.

Samantala, may nakalaang namang parusa para sa mga taong mapapatunayang gumagawa ng ganitong pagpapakalat ng mga hindi totoong larawan.

Ayon umano sa batas, ₱50,000 na halaga ang maaaring bayaran ng isang tao kapag nagpasimula siya ng isang false fire alarm.

Mc Vincent Mirabuna/Balita