Matapos lubugin sa baha ang iba’t ibang parte ng Pilipinas, lumutang naman ang mga anomalya at korapsyon sa proyektong mas lalong nagpalubog sa taumbayan.
Sa paggulong ng kabi-kabilang imbestigasyon para sa flood control projects, tila sa administrasyon pa lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., magsisimula ang paglalantad sa umano’y mga kontraktor na tumanggap ng mga milyones at bilyong pondo para sa naturang proyekto.
Matapos pangalan ni PBBM ang 15 mga kontraktor na tumabo raw ng pondo mula sa kaniyang administrasyon, inilathala naman ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ang listahan ng mga kontratista nakalipas na tatlong rehime mula Arroyo hanggang Duterte.
Ang ilan sa nangunang mga kontraktor ng rehimeng Arroyo
Nasa ₱7 bilyon ang pinakamalaking nailaan sa kontratista ng administrasyon ni dating Gloria Macapagal-Arroyo na napunta sa Newington Builders, Inc.
Narito ang ilan sa mga top contractor ng administrasyong Arroyo:
Equi-Parco Construction Company – ₱6,108,585,651.58
Filbest Const. & Supplies Corp. (Formerly: MeditechTrade) – ₱5,916,666,837.67
Vicente T. Lao Construction – ₱4,660,435,316.87
JSG Construction Company, Inc. – ₱4,424,079,375.90
Ang ilan sa nangunang mga kontraktor ng rehimeng Aquino
Umabot naman sa ₱17 bilyon ang pinakamalaking kontratang ibinigay ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para sa isang kontratista.
Narito ang ilan sa mga top contractor ng administrasyong PNOY:
Equi-Parco Construction Company – ₱17,239,021,075.45
Northern Builders – ₱14,569,602,936.91
Ulticon Builders, Inc. – ₱12,370,834,209.21
Three W Builders, Inc. – ₱11,616,237,789.70
IBC International Builders Corporation – ₱11,491,684,819.79
Ang ilan sa nangunang mga kontraktor ng rehimeng Duterte
Ayon sa PCIJ, ang St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp. ang nangunang kontratista ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2017.
Nakakuha ng tinatayang ₱12,303,217,622.51 ang St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp., na ngayo’y matunog din ang pangalan na sangkot pa rin sa flood control projects ni PBBM na pagmamay-ari ng mga Discaya.
Sumunod sa St. Gerrard ang mga sumusunod:
Ulticon Builders, Inc. na may kontratang ₱11,104,908,275.49
Equi-Parco Construction Company na may kontratang ₱847,450,999.85
M. Montesclaros Enterprises, Inc. na may kontratang ₱6,358,998,158.66
Syndtite Construction Corporation na may kontratang ₱5,705,288,275.14
Sa nakalipas na tatlong na administrasyon naging aktibo ang bilyon-bilyong paglalabag ng pondo para sa Department of Public Works and Highways, subalit sa kabila nito, maraming lugar pa rin ang nilulubog, walang maayos na kalsada at mga tulay.
Sa ganitong sitwasyon, sino nga ba ang dapat na habulin ng taumbayan?