'HINDI NAMAN YUNG MGA CORRUPT YUNG MASASAKTAN 'PAG BUMIGAY YUNG GATE'
Nagbigay-pahayag si Pasig City Mayor Vico Sotto sa nangyaring protesta sa St. Gerrard Construction na may pagmamay-ari ng mga Discaya nitong Huwebes ng umaga, Setyembre 4.
Pinagbabato ng mga miyemrbo ng grupong Kalikasan ang gate ng building St. Gerrard Construction bilang sagisag ng mabigat na pasaning dinaranas ng mga biktima ng baha, na iniuugnay ng grupo sa umano’y pumalpak na mga proyekto sa flood control.
Pininturahan din ng mga raliyista ng mga salitang “Magnanakaw” at “Korap” ang pader at gate ng gusali bilang protesta sa umano’y katiwalian sa mga proyekto ng pamilya Discaya.
Maki-Balita: Ilang grupo, pinagbabato ng putik ang gate ng construction compound ng mga Discaya
Sa isang Facebook post, sinabi ni Sotto na huwag mauwi ang galit sa karahasan dahil hindi naman daw ang mga "corrupt" ang masasaktan kapag bumigay ang gate.
"I understand that we are angry and frustrated, but let's not resort to violence or acts that could potentially lead to violence or injuries," anang alkalde. "Hindi naman yung mga corrupt ang masasaktan pag bumigay ang gate, hindi rin sila ang matatamaan ng bato."
"Nag-aalala ako para sa mga security guard, trabahador, at ralyista mismo," dagdag pa ni Sotto.
Giit pa ng alkalde na huwag daw mawalan ng pag-asa.
"Don't feel hopeless... the momentum is on the right side now!!! Let us continue to fight for ACCOUNTABILITY, STRONGER INSTITUTIONS, AND THE RULE OF LAW. There are no shortcuts," ani Sotto.
"Rest assured, we in the LGU will continue to do our part with investigation, case build up, and even prosecution. Not just for the Discaya companies. Anything we can do to help. We have had initial exchanges of info and coordination with at least 5 national government agencies... nararamdaman din namin na bumibilis ang kilos nila ngayon. Tuloy din ang mga criminal case at administrative action natin sa LGU concerns gaya ng illegal building structures at business tax delinquencies."
Kaugnay nito, iginiit ng Malacañang na hindi umano nanaisin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mauwi sa marahas na kaganapan ang gagawin ng mga tao para sa ilang mga kontratistang may kaugnayan sa maanomalyang flood-control projects.
Maki-Balita: Castro sa pagsugod ng mga tao sa mga Discaya: 'Di po nanaisin ng Pangulo na ganito!'
Samantala, magsasampa ng kasong kriminal ang kampo ng Pamilya Discaya sa organizer ng protesta.
Maki-Balita: 'Pumalag!' Mga Discaya, kakasuhan organizer ng kilos-protestang sumugod sa St. Gerrard