Muling inihain ng senador na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang batas na magpapataw ng parusang kamatayan kaugnay sa mainit ngayong usapin sa mga maaanolmayang proyekto sa ilang ahensya ng gobyerno.
Ayon sa Facebook post na ibinahagi ni Sen. Dela Rosa ngayong Huwebes, Setyembre 4, hinikayat niya ang taumbayan na sang-ayunan ang kaniyang mosyon.
“T[aumbayan, please second my motion]” panimula ni Sen. Dela Rosa.
Pagpapatuloy ni Sen. Dela Rosa, inilatag niya nitong Miyerkules, Setyembre 3 sa Senado ang Senate Bill No. 1343 na muling magpapatanaw ng parusang kamatayan para sa mga mapapatunayang “plunderer.”
“Yesterday, I filed SBN 1343, an act reimposing death penalty for the crime of PLUNDER,” anang senador.
Aniya, titingnan ng senador kung sino ang magnanais humarang sa paghahain niyang ito ng SNB 1343.
“Tingnan natin kung sino ang haharang nito. I move for the swift passage of this law,” ayon kay Sen. Dela Rosa.
Samantala, marami naman ang sumasang-ayon sa panukala ng senador na muling magbabalik sa pagpapataw ng parusang kamatayan sa bansa.
Narito ang ilang mga komentong iniwan ng netizens sa naturang post ni Sen. Dela Rosa:
“Mistah, I am not a Filipino citizen but I would second that! Looks like they do not have a sense of accountability! Kawawa naman ang mga Pilipino.”
“Hanggang 1 millionth the motion sir Sen.”
“Agree sir kasama mo [k]ami.”
“Go for it sir Sen.”
“Respectfully volunteering to be the hatchet.”
“Goooooo senator Ronald Bato Dela Rosa yes ,for death penalty.”
“Naku SEN dapat po talaga mapasa nayan..SUBRA po ang KURAKUT ngayun..Dapat nga kila DISCAYA KUYUGIN NG TAONG BAYAN SA DAMI ngayun PERWISIO TUWING UULAN[...]”
“[D]eath penalty and speedy trial within 1 month dapat may desisyon na po, and death by hanging must be executed sa town plaza, pag nagtatagal trial umabot sa bagong administrasyon bale wala na Sen. Rocks.”
Matatandaang nagpahayag na rin noong Hulyo 4, 2025 ang kampo ni Sen. Dela Rosa kaugnay sa pagsusulong ng panukalang ibalik ang “death penalty.”
KAUGNAY NA BALITA: Death penalty sa high level drug traffickers, ikokonsidera ni Dela Rosa kapag nanalong senador
Ayon sa kampo ng senador noon, para umano sa nabiktima ng mga krimeng nakaugat sa ilegal na droga ang dahilan nila sa pagsusulong ng naturang batas.
"This bill has become more than a campaign promise or a legal stand, but the realization of our commitment to those families left behind by the victims of crimes involving drugs," ani Dela Rosa.
Dagdag pa niya, “It is our declaration of war against drugs that has destroyed our country have caused violence, and national insecurity."
Bukod pa dito, matatandaan ding noon pa mang tumatakbo muli sa pagka-senador si Dela Rosa, isa sa mga pangunahing plataporma niya noon pa man ay ang pagbabalik ng “death penalty.
KAUGNAY NA BALITA: Death penalty sa high level drug traffickers, ikokonsidera ni Dela Rosa kapag nanalong senador
Ayon sa re-electionist noon na si Sen. Dela Rosa, ang interes niyang maibalik ang parusang kamatayan bilang batas ang ikokonsidera niya kung sakali na muli siyang mananalo noon bilang senador sa 2025 National and Local Elections (NLE).
Matatandaang nauna nang pinawalang-bisa ang death penalty sa Pilipinas sa ilalim ng 1987 Constitution.
Kaya sa isang episode ng “Storycon” ng One PH noong Marso 4, sinabi ni Dela Rosa na ang malalaking drug traffickers umano ang pupuntiryahin ng parusang ito sa halip na mahihirap at small time pushers.
“Ito ay nakatutok lamang for high level drug trafficking kung saan involve dito ‘yong malalaking drug lords. So, kaya ko po ini-specify na high level drug trafficking lang para maiwasan na ‘yong isyu ay ‘yong tatamaan ng bitay o ng death penalty ay ‘yong mga mahihirap lang,” paliwanag ng tumatakbo pa lang noon na senador.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, pabor na i-firing squad mga korap na gov't official
Mc Vincent Mirabuna/Balita