January 08, 2026

Home BALITA

Rep. Arroyo, naghain ng bill na magpapalawig sa kapangyarihan ng OVP

<b>Rep. Arroyo, naghain ng bill na magpapalawig sa kapangyarihan ng OVP</b>
Photo courtesy: Gloria Macapagal Arroyo (FB)


Hinain ng dating pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang House Bill 4215, o ang panukalang batas na magpapalawig sa kapangyarihan ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon sa mga ulat, ang panukulang batas na ito ay hinain ng kongresista noong Lunes, Setyembre 1, na naglalaman umano ng “democratic framework” ng bansa.

Naglalayon din itong bigyan ng pagkakataon ang bise presidente na magkaroon pa ng mas malawak na sakop, bukod sa hintayin na lamang ang pagkakataong siya ang humalili sa pangulo, na nakasaad sa Konstitusyon.

“This is a bill which intends to create a charter for the OVP, seeking to establish a robust foundation that elevates the role beyond ceremonial duties, ensuring that vice presidents can fulfill their mandate with clarity, purpose, and efficacy,” ani Arroyo.

Idiniin din ng dating pangulo na mahalagang ilinya ang mandato ng OVP sa mga pangangailangan at adhikain ng mga Pilipino.

“The charter will delineate specific roles, including formulating and recommending programs to ensure effective and efficient delivery of social services, as well as implementing socioeconomic and advocacy programs toward nation-building, representing the government in international gatherings, and assuming a leadership role in addressing key issues,” aniya.

Nakapaloob din dito ang panukala na magkaroon ang opisina ng isang chief of staff, apat nitong mga assistant, at dalawa pang permanenteng director positions, kasama ang apat pang “coterminous” director positions.

Ang apat na assistant ng OVP’s chief of staff ay pamumunuan ang Administrative and Financial Services Office, Operations and Strategy Management Office, kabilang na rin ang Corporate Communications Office.

Matatandaang laman ng balita ang opisina ng bise presidente matapos nitong hindi makatanggap ng confidential and intelligence funds (CIF) para sa taong 2026.

MAKI-BALITA: Office of the President, may pinakamalaking confidential funds 2026; OVP, olats ulit-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA