December 13, 2025

Home BALITA

'Pumalag!' Mga Discaya, kakasuhan organizer ng kilos-protestang sumugod sa St. Gerrard

'Pumalag!' Mga Discaya, kakasuhan organizer ng kilos-protestang sumugod sa St. Gerrard
Photo courtesy: Contributed photo

Umalma ang kampo ng pamilya Discaya sa pagsugod ng mga raliyista sa harapan ng isa sa kanilang mga construction firms.

Sa panayam ng media sa abogado ng nasabing pamilya na si Atty. Cornelio Samaniego III nitong Huwebes, Setyembre 4, 2025, iginiit niyang nakatakda raw nilang sampahan ng kaukulang reklamo ang organizer ng isinagawang kilos-protesta.

"Fa-file-lan po namin yung organizer ng criminal case," saad ni Samaniego.

Saad pa niya, nalungkot din daw ang mag-asawang Perci at Sarah Discaya sa nangyaring pagsugod ng grupo ng environmental group kung saan isang malaking salita na "magnanakaw" gamit ang spray paint ang ipininta nila sa gate ng mga ito.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

"Nalulungkot ang mag-asawang Discaya. Hindi naman dapat humantong sa ganito," anang abogado.

Kaugnay nito, nanawagan din siya ng isang mahinahong kilos-protesta mula sa mga raliyista upang maiwasan daw ang paninira sa mga property ng pamilya Discaya.

"Nananawagan po kami sa mga nagra-rally. [Sana] po'y maging mahinahon sila at huwag po silang gumamit ng dahas o anumang paninira ng propyedad ng mga Discaya," aniya.

Matatandaang kabilang sa environmental group ng naturang rally ay ang grupong Kalikasan kasama rin ang iba pang mga indibidwal na may mga dalang bato at putik na itinapon nila sa gate at harapan ng St. Gerrard Construction. Ito raw pagpapakita nila ng kanilang galit at panawagang mapanagot ang mga Discaya sa umano'y kinasasangkutan nitong anomalya sa flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang grupo, pinagbabato ng putik ang gate ng construction compound ng mga Discaya

Kabilang ang St. Gerard Construction firm sa 9 na mga kompanyang pagmamay-ari ng pamilya Discaya na tinanggalan ng lisensya ng  Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) bunsod ng nasabing isyung kinahaharap ng mga ito.

KAUGNAY NA BALITA: 'Walang itinira?' PCAB binawi lisensya ng 9 na construction firms ng mga Discaya