January 26, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

‘Pinoy baiting o Inclusion?’ Mga karakter ng ‘Wednesday’ na sina Enid at Bruno, nakapagsasalita ng Filipino!

<b>‘Pinoy baiting o Inclusion?’ Mga karakter ng ‘Wednesday’ na sina Enid at Bruno, nakapagsasalita ng Filipino!</b>
Photo courtesy: Netflix


Tuwa at labis na mangha ang dala sa mga Pinoy fans ng series na “Wednesday” matapos maglabas ng isang video ang “Netflix” kung saan ipinakikita ang mga diyalogo nina Enid (Emma Myers) at Bruno (Noah Taylor) na nakasalin sa wikang Filipino.

Makikita sa video na may katawagan si Bruno sa kaniyang telepono habang binabanggit ang kaniyang mga litanya gamit ang wikang Filipino.

“Miss na kita. Miss ko na 'yong pagpasyal natin sa beach. Miss ko na lalo 'yong mga matamis na labi mo. Baba ko na 'to, mahal ko," ani Bruno.

Nagulat si Bruno nang mapag-alamang nasa likod pala niya si Enid, at nagdahilan siyang kausap niya ang kaniyang ina na nasa Pilipinas.

"You and your mother are awfully close or was that your girlfriend back home that you failed to mention in an act of time-honored, misogynistic deception?” ani Enid.

Lingid sa kaalaman ni Bruno, nakauunawa pala ito ng wikang Filipino, dahil siya ay natuto mula sa kaniyang Fencing instructor na nagngangalang Datu.

Pagalit namang niyang inilahad ang kaniyang tugon kay Bruno.

"Wag mo na akong kausapin, manlolokong taksil,” aniya.

Umani ang Netflix video ng samu’t saring reaksyon mula sa mga Pinoy netizens:

“Pinoy baiting ba?”

“Pag negative ang tingin mo, Pinoy baiting. If you look at it naman positively naman, it's "inclusion". It's about time na marepresent iba ibang lahi sa mga shows.”

Teleserye

Higop King Supremacy! Leading ladies na 'hinigop' ni Joshua Garcia sa teleserye

“Mas magaling pa si blondie kesa kay guy magtagalog”

“Mas matatas pa mag tagalog kesa kay james reid. Char haha”

“Wow straight Tagalog, daig pa si Martin Nievera.”

“Let’s be happy n lng, it’s mainstream at hindi naman tau binastos. It’s not their first language plus there are tons of language to use pero tagalog ang pinili. Wag maarte di kayo inaano”

Matatandaang pinasinayaan ang unang apat na episode ng Wednesday Season 2 noong Agosto 6, at ang mga natitira ay inilabas nitong Setyembre 3, kung saan gaganap ang American singer at actress na si Lady Gaga bilang Rosaline Rotwood.

Vincent Gutierrez/BALITA