December 23, 2025

Home BALITA National

Panununtok, pangmamaltrato ng handler sa isang K9, naaktuhan on cam!

Panununtok, pangmamaltrato ng handler sa isang K9, naaktuhan on cam!
Photo courtesy: Nicole Andrea (FB)

Nakuhanan ng video ang umano’y pananakit ng isang K9 handler sa alaga niyang canine sa likod ng isang sasakyan na L300 van.

Ayon sa videong inupload ng isang netizen na si Nicole Andrea sa kaniyang Facebook, naaktuhan niya ang pananakit umano ng isang lalaki sa aso matapos niyang sumilip sa bintana ng kaniyang pinagtatrabahuhan. 

“Sumilip lang talaga ako sa bintana to check if uulan ba… Napatingin ako sa baba and saw this dog and his sh*tty handler,” panimula niya sa caption ng kaniyang post. 

Pagpapatuloy ng uploader na si Nicole, akala umano niya noong una ay naglalaro lamang ang handler at ang canine ngunit napagtanto niyang sinasaktan pala ng lalaki ang aso kaya agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone para mag-video. 

National

‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

“Nung una natutuwa pa ko kasi akala ko naglalaro sila. After ilang seconds lang[!] I realized hindi pala laro. Kinuha ko agad phone ko para makapag-video at maipakita pag sumugod ako[...]” 

Ayon pa kay Nicole, sinubukan niyang sigawan ang lalaki para patigilin sa ginagawa niya ngunit hindi umano siya naririnig nito dahil sa taas ng palapag na kinaroroonan niya sa kanilang building. 

“Tinry ko pa sumigaw to stop yung handler pero malayo masyado (nasa kabilang tower kami, tapos mataas na floor pa) and di ko mai-todo yung sigaw kasi nasa office ako,” anang Nicole. 

Matapos makunan ng video ang pangmamaltrato umano ng handler, tumakbo umano agad ang uploader sa tanggapan ng Meralco dahil makikita na doon ang lokasyon kung saan ito nakuhanan. 

“After recording the video, tumakbo na agad ako sa Meralco. Kaso di ako pwedeng pumasok. So I asked the guard kanino pwede ireport. Tinawag nila yung handler na nasa video at gusto nilang pakinggan ko,” pagkukuwento ni Nicole sa post. 

Aniya, ayaw niyang marinig ang paliwanag ng handler na naaktuhan niyang nangmamaltrato sa aso. 

“Pero ayoko marinig explanation niya. I don’t know. Ang nasa isip ko lang nun, habang nanginginig ako sa galit, what’s done is done, and it was clearly wrong[...],” ani ni Nicole. 

Pahabol pa ng uploader, malinaw naman umano na gusto lang pabitawan ng handler sa canine ang bola na tangay-tangay nito pero mali pa rin umano ang pananakit. 

“Obvious naman, na gusto lang nung handler na bitawan nung K9 dog yung ball. Pero para ganyanin niya?,” saad ni Nicole. 

“WAT DA FAK KA!!!!! STOP ANIMAL CRUELTY!!!!!” pagtatapos ng uploader. 

Samantala, pumukaw ng atensyon ang videong inupload ni Nicole sa TikTok at Facebook.

Maging ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), isang organisasyon na masugid na tumutuligsa sa pananakit sa mga hayop, ay nagpahatid ng komento sa video ni Nicole at sinabing tutulungan nila ang uploader para mabigyan ng hustisya ang canine sa nangyaring insidente. 

“It gravely enrages us to see this happening. One of our volunteers has sent you a message, and we hope we can get a response and that you can stand with us to seek justice on this incident,” ayon sa PAWS. 

Bukod naman sa PAWS, marami netizens ang kumulo rin ang dugo nang mapanood ang videong ibinahagi ni Nicole sa social media. 

Narito ang ilang komento na iniwan ng mga tao sa naturang post:

“Fortunately, the dog's situation was exposed. Sadly, it's likely that many other dogs and K9s are treated similarly, but aren't as lucky to be exposed.”

“The officer clearly does not know how to handle his dog. Tugging or pulling constantly on the ball will trigger a pull response from your dog EVERYTIME.” 

“[M]y husband is also a handler, he said there really are handlers who are not affectionate to their dog partners, "partners" eto dapat eh, kokonti lng tlga ung dog lover” 

“Thank you for speaking up for the dog, Nicole Andrea. I hope the next news I hear eh naalis na sa work yung stupid handler.” 

“He should be terminated and not be given any K9.” 

“Philippine National Police do your thing! K9 are heroes bakit ganyan ginagawa nyo.” 

“Philippine National Police do your thing! K9 are heroes bakit ganyan ginagawa nyo.” 

Ayon naman sa reply ni Nicole sa isang komento ng netizen, nabanggit niyang nakuhanan niya ang video malapit sa Meralco sa bayan ng Ortigas sa Pasig. 

Naglabas naman ngayong umaga ng Huwebes, Setyembre 4 ang Meralco News sa FB kaugnay sa nangyaring insidente. 

Anila, mula ang handler sa Search and Secure Canine Training and Services International (SAS K9) at kasalukuyang nasa mabuting pangangalaga na ngayon ang canine na si Bingo. 

Nakikipag-ugnayan na raw umano ang kanilang tanggapan sa SAS K9 upang imbestigahan ang insidente. 

Suspendido naman sa trabaho ang inabot ng lalaking handler na naaktuhan sa video. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita