December 13, 2025

Home BALITA National

Kitty Duterte sa lagay ni FPRRD: ‘He’s doing good and he’s alive!’

Kitty Duterte sa lagay ni FPRRD: ‘He’s doing good and he’s alive!’
Photo courtesy: Congressman Paolo “Pulong” Duterte (FB), ICC

Nagbigay ng latest update si Kitty Duterte tungkol sa kalagayan ng ama at dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa loob ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, noong Miyerkules, Setyembre 3. 

Bilang pagsunod sa abiso ng ICC detention unit na nagbabawal sa mga bisita ng dating Pangulo na pagbabahagi sa sitwasyon sa loob ng pasilidad sa publiko kamakailan, ang tanging naibahagi lamang ni Kitty ay nasa mabuting lagay ang ama at buhay ito. 

“All I can say is that he’s doing good and he’s alive,” ito ang maikling pahayag ni Kitty sa pakikipag-panayam ng Alvin & Tourism.

“Health-wise, he looks the same. I think the fact that most of the family are here to visit. It makes him stronger mentally, physically, and emotionally,” aniya pa. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ibinahagi rin ni Kitty na sa kamakailang pagbisita sa ama kasama ang kapatid na si Davao City Rep. Pulong, maganda ang mood ng dating pangulo dahil sa masasayang kantyawan at magagaang usapan nila. 

KAUGNAY NA BALITA: Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Sa mga susunod pang araw, inaasahan ng dating pangulo ang pagbisita ng kaniyang mga apo sa detention facility ng ICC. 

Sa mga nagdaan ding linggo, kumpletong bumisita ang magkakapatid na Duterte kasama sina Acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Vice President Sara Duterte. 

KAUGNAY NA BALITA: Duterte siblings, bitbit pag-asang makakasama muli nila si FPRRD 

Matatandaan na ang dating pangulo ay dinakip ng ICC noong Marso 2025 para kaharapin ang mga kasong crimes against humanity noong “War on Drugs” ng kaniyang administrasyon. 

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD 

Ang confirmation of charges hearing ay gaganapin mula Setyembre 23 hanggang 26, kung saan, magsisimula ng 9:30 ng umaga (Netherlands time) sa ICC Courtroom 1. 

Ito rin ay ila-livestream sa ICC website, ngunit inaasahan ding may 30-minute delay bilang proteksyon ng mga ibabahaging sensitibong impormasyon tungkol sa kaso. 

Sean Antonio/BALITA