Pasok na sa semi-final rounds ng prestihiyosong patimpalak na “America’s Got Talent” ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez.
Ayon sa Fil-Am singer, para umano siyang nasa “could nine” matapos ianunsyo ang kaniyang pagkakapasok sa semi-final round ng AGT.
"Oh, my gosh. I'm on cloud nine right now. Thank you so much, everybody, I appreciate it," ani Sanchez.
Ibinahagi rin ni Simon Cowell, isa sa mga hurado ng patimpalak, ang kaniyang obserbasyon at abiso kay Sanchez. Aniya, may espesyal daw umano sa mang-aawit.
"You know what, Jessica, we've had a lot of singers on this show. There is, in my opinion, something special about you. And you come back next with the right song choice. I would say right now you are the one to beat," ani Cowell.
Aprub naman sa isa pang hurado ng AGT na si Howie Mandel ang mga tinuran ni Simon Cowell, na “concerned” umano sapagkat walong buwan nang buntis si Sanchez.
Noong Martes, Setyembre 2, ipinakita niya ang kaniyang husay sa pag-awit nang “live” matapos ang kaniyang rendisyon ng awiting “Ordinary” ni Alex Warren.
Matatandaang nakakuha ng “golden buzzer” ang Fil-Am singer noong siya ay nag-audition sa AGT, nang ma-impress sa kaniya ang huradong si Sofia Vergara matapos niyang awitin ang “Beautiful Things” ni Benson Boone.
Nakilalang lubos at nadiskubre pa ang husay ni Sanchez sa larangan ng pag-awit matapos manalong first runner-up sa Americal Idol Season 11.
Vincent Gutierrez/BALITA