December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Hindi nila kasalanan ang maging mayaman' post ni Karla Estrada, binaha ng reaksiyon

'Hindi nila kasalanan ang maging mayaman' post ni Karla Estrada, binaha ng reaksiyon
Photo courtesy: Karla Estrada (IG)

Umani ng reaksiyon at komento mula sa publiko ang Facebook post ng aktres, singer, at TV host na si Karla Estrada, patungkol sa mga natatanggap na batikos ng mga anak na sadyang lumaki sa yaman dahil sa kanilang mga magulang.

Aniya sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Setyembre 1, hindi raw lahat ng bagay na mayroon ang mga tao ay bunga ng sama-samang paghihirap o sakripisyo.

Maaaring bunga raw ito ng sipag at tiyaga ng mga magulang, at may may mga taong matagal nang marangya ang buhay at ito ang kanilang kinagisnan, kaya’t hindi raw nila kasalanan ang maging mayaman.

"[B]unga ng sipag at tyaga ng mga magulang, may mga taong matagal nang marangya ang buhay at ito ang kanilang kinagisnan, kaya’t hindi nila kasalanan ang maging mayaman," mababasa sa FB post ni Karla.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Ginawang halimbawa ni Karla ang kaniyang sarili, na aniya, ay isinilang sa isang pamilyang sapat lang ang mayroon sa pang-araw-araw, gaya raw niya.

"May mga taong ipinanganak na sapat lang ang meron sila sa pang-araw-araw, tulad ko. Pero ako’y nagsipag, nangarap at hindi pumayag sa sapat lang," paliwanag ni Karla.

"Nangarap ako, nagsipag, nagtrabaho ng walang reklamo, nilibot ko ang buong bansa sa pag-awit at tinanggap lahat ng trabaho sa pelikula, tv at radio. 34yrs na ako sa industiya at andito pa rin."

"Natupad ko lahat ng pangarap ko sa buhay na may kasamang dasal, sipag, tyaga, pagpupursige, pagtulong at walang tinatapakan."

Pagllinaw pa ni Karla, "May karangyaan na atin din namang pinaghirapan at pinag trabahuan."

"Kaya kung tayo man ay nakakaangat sa buhay, nawa’y gamitin natin ito bilang pagkakataon upang magbahagi sa mga taong mas wala."

"Huwag nawa nating gawing dahilan ng pagmamayabang ang anumang yaman o tagumpay, bagkus piliin nating maging daan ng tulong, pag-asa, at pagmamahal para sa kapwa."

Binaha naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"yess po momshie Carla...sana po lahat ay ganon ang mindset..!"

"Kaso Ang iba Walang awa at konsensya mkakapal Mukha..lustayin Ang Pera ng taong bayan"

"Mas naniniwala pa ako na ang tagumpay ng isang tao,ay walang bahid ng POLITIKA na propisyon"

"na appreciate lang yan Ng mga taong Sanay sa hirap at guminhawa sa pag susumikap ...pero Yung nga instant yaman naku Malabo sa kanila Yan..."

"That’s true 100%!at hindi mo rin makuha yung kayamanan mo sa langit"

Napapanahon ang post ni Karla lalo't mainit na pinag-uusapan ang pagpapakita ng lavish lifestyle o marangyang pamumuhay ng mga anak o kaanak ng umano'y contractors at opisyal ng pamahalaan na nasasangkot sa umano'y maanomalyang flood control projects.

Kaya naman, umusbong ang mga bansag na "nepo babies" at "Disney Princess."

Ang mga nepo babies, na bagama't matagal nang nag-eexist na salita bilang panlarawan sa mga personalidad na nakilala dahil sa matunog, kilala, o sikat na pangalan o imahe ng kanilang mga magulang o kaanak, ay ikinakapit ngayon sa mga anak ng mga nasasangkot sa mga alegasyon ng anomalya ng flood control projects, na nagbabalandra ng lavish lifestyle o maluhong pamumuhay.

Bunsod nito, naiugnay ang konsepto ng “nepotismo” sa mga anak ng mga naglalakihang politiko bilang mga umano’y “nepo babies” na pawang nagpapakasasa raw sa korap na sistema ng kanilang mga magulang.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'