Niyanig ng magnitude 5.3 at 4.3 na lindol ang General Luna, Surigao del Norte nitong Huwebes ng umaga, Setyembre 4, 2025, ayon sa PHIVOLCS.
Sa tala ng ahensya bandang 6:48 AM, nangyari ang lindol bandang 6:45 AM sa katubigan malapit sa General Luna, Surigao del Norte, na may lalim na 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naitala ang intensity II sa Cabadbaran City, Agusan del Norte; Quinapondan, Eastern Samar; at Surigao City, Surigao del Norte. Intensity I naman sa Hinunangan, Southern Leyte.
Samantala, muling niyanig ng lindol ang General Luna bandang 7:04 AM, kung saan naitala ang magnitude 4.3.