December 14, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'First day, first slay!' Vice Ganda at Nadine Lustre, nag-shooting na para sa pelikula

'First day, first slay!' Vice Ganda at Nadine Lustre, nag-shooting na para sa pelikula
Photo courtesy: Star Cinema (IG)

Ibinahagi ng Star Cinema ang larawan ng unang shooting day nina Unkabogable Star Vice Ganda at award-winning actress "President" Nadine Lustre para sa pelikulang "Call Me Mother" sa direksyon ni Jun Robles Lana.

Sa Instagram post ng Star Cinema, makikitang kasama nina Vice Ganda at Nadine ang kanilang direktor.

"First day, first slay!" mababasa sa caption.

"#CallMeMother starring Vice Ganda and Nadine Lustre, directed by Jun Robles Lana."

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

"Get ready to be mothered this December 25 at the 51st Metro Manila Film Festival," saad pa.

Bagama't nagkasama na silang dalawang sa ilang mga pelikula noon, ito ang unang beses na bibidang magkasama sina Meme at Nadine sa pelikula.

Hulyo 8 nang unang ilabas ang anunsyo hinggil sa pelikula. Isa ang pelikulang ito sa apat na entries na opisyal nang ipinakilala sa publiko, sa ginanap na grand launch ng MMFF51 sa parehong petsa Hulyo 8, sa Glorietta Palm Drive Activity Center.

KAUGNAY NA BALITA: 'Mothering!' Vice Ganda, Nadine Lustre sanib-puwersa sa pelikula sa MMFF 2025