December 13, 2025

Home BALITA

DPWH Sec. Dizon binisita P96M flood control project sa Bulacan: 'Mga hayop ang gumawa nito'

DPWH Sec. Dizon binisita P96M flood control project sa Bulacan: 'Mga hayop ang gumawa nito'
Photo courtesy: Contributed Photo

Tumambad kay bagong Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon ang isang ₱96M ghost project sa Plaridel, Bulacan nitong Huwebes, Setyembre 4, 2025.

Sa pag-iinspeksyon niya, napansin ng kalihim na tila may mga sementadong parte ng naturang flood control project na tila nagsimulang gawin, tatlong linggo ang nakalipas. 

“Siguro 3 weeks ago, umiinit. Nag-iimbestiga na ang Senado, nag-iimbestiga na ang Kongreso, nagalit na ang Pangulo. Pinipilit buhayin yung patay. Wala na 'to, ghost project ito. Klarong-klaro na ghost project ito,” saad ni Dizon.

Dagdag pa niya, hindi raw maituturing na tao ang gumawa ng nasabing proyekto, kundi pawang mga hayop.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Nakakarindi 'tong ganito, I can just imagine how angry the President is. Kasi hindi tao yung gumawa nito, hayop. Mga hayop ang gumawa nito, hindi sila tao,” anang kalihim.

Ayon pa kay Dizon, Wawao Builders daw ang nasa likod ng nasabing host project na tumabo ng tinatayang ₱96 milyon, kung saan batay umano sa datos ng DPWH ay noong 2024 pa raw naitala na kumpleto at tapos na ang nasabing proyekto.

Bunsod nito, ipinag-utos ni Dizon ipa-blacklisted ang nasabing construction firm, kasabay nang tuluyan niyang pagsibak kay DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantra bunsod ng mga anomalya sa implementasyon ng nasabing proyekto.

"He is suspended e. Now he is dismissed," saad ni Dizon. "I will call for summary dismissal of Henry Alcantara." 

Dagdag pa sa bagong kalihim ng DPWH, sa susunod na linggo ay kakasuhan nila si Alcantara kaugnay sa "ghost flood control project" sa Bulacan. 

"And next week, I will ask the DPWH Legal to recommend filing of appropriate charges against Henry Alcantara. Obviously, criminal ito. Pagnanakaw ito e, P100 million... We will recommend filing of charges with the Ombudsman."

KAUGNAY NA BALITA: Dating DPWH Regional Director Henry Alcantara tanggal na sa serbisyo, kakasuhan pa!