January 05, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bretman Rock, binanatan nepo babies na may 'ugly fashion choices'

Bretman Rock, binanatan nepo babies na may 'ugly fashion choices'
Photo courtesy: Bretman Rock (IG)

Usap-usapan ang mga patutsada ng Filipino-American content creator na si Bretman Rock para sa mga tinaguriang "nepo babies" na ilang araw nang pinagpipiyestahan ng mga netizen, dahil sa isyu ng umano'y korapsyong nagsasangkot sa ilang contractors ng construction company at ilang opisyal ng pamahalaan, na may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.

Mapapanood sa kaniyang Instagram story ang video ni Bretman noong Miyerkules, Setyembre 3, na nasa wikang Ingles, Tagalog, at Ilocano.

Hinikayat niya ang followers kung alin sa mga wikang ginamit niya ang mas bagay niyang gamitin, subalit humantong lang ito sa mga tanong ng netizens sa pagkakaiba ng wika at diyalekto.

Sinabi naman ni Bretman na sasagutin niya ang nabanggit na tanong sa hiwalay na video, dahil may mas mga importanteng bagay pa raw na dapat pag-usapan, at dito na nga nabanggit ang isyu ng nepo babies.

Tsika at Intriga

'As a nation di tayo makausad!' Tuesday sinita mga 'eksenang airport' ng Pinoy

Ang mga nepo babies, na bagama't matagal nang nag-eexist na salita bilang panlarawan sa mga personalidad na nakilala dahil sa matunog, kilala, o sikat na pangalan o imahe ng kanilang mga magulang o kaanak, ay ikinakapit ngayon sa mga anak ng mga nasasangkot sa mga alegasyon ng anomalya ng flood control projects, na nagbabalandra ng lavish lifestyle o maluhong pamumuhay.

Tirada ni Bretman, may mga nakikita siyang nepo babies sa social media na walang habas sa pangangalandakan ng kanilang marangyang pamumuhay, subalit hindi raw maganda ang kanilang "fashion choices."

"There are bigger fishes to motherf*cking fry, especially in the Philippines right now."

"Like these motherf*cking nepo babies using up people's money to buy and fund their lavish lifestyle and some of their questionable, ugly fashion choices."

"I saw this video the other day where I'm, like, 'Girl,' where she was like they really need to invest in a stylist before they invest on these motherf*cking fashion stuff, because I agree."

"I would be mad too if I was funding these motherf*cking nepo babies' life and they're buying ugly things. I would be mad, trust."

Wala namang tinukoy na pangalan ang social media personality kung sino sa nepo babies ang binabanggit niya.

Ilan sa nepo babies na talaga namang kinukuyog ng mga netizen ngayon ay si Claudine Co na anak ni Christopher Co, co-founder ng Hi-Tone Construction and Development Corp., at pamangkin naman ni Ako Bicol partylist Rep. Elizaldy Co.

Isa pa sa mga binabanatan ng mga netizen ay si Jammy Cruz na anak naman ni Noel Cruz, general manager ng Sto. Cristo Construction and Trading, Inc.

Ang jowa naman ni Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 4th Big Placer at Star Magic artist River Joseph, na si Gela Alonte, at nakakaranas din ng bashing sa social media dahil sa mga video niya na nagpapakita ng madalas na pagbabakasyon sa ibang bansa, pagsusuot ng mga mamahaling damit, branded bags, at iba pang mga umano'y luho na aabot sa milyon ang presyo.

Hindi rin nakaligtas sa batikos ng mga netizen ang magkapatid na Enciso na sina Verniece at Vern, na anak ni Verne Enciso na direktor ng Bureau of Customs (BOC).

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'