December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Awra sa balak nitong magpa-gender reassignment: ‘Gusto kong itrato akong babae’

<b>Awra sa balak nitong magpa-gender reassignment: ‘Gusto kong itrato akong babae’</b>
Photo courtesy: Killa Kush (YT)


Ibinunyag ng TV at social media personality na si Awra Briguela na may plano siyang dumaan sa isang “gender reassignment” upang siya ay itrato at tingnan bilang isang tunay na babae.

Ibinahagi ni Awra ang tungkol dito nang siya ay nakipanayam sa content creator na si Killa Kush, sa YouTube channel nitong “Bad B*tch Bible.”

Ayon sa kaniya, sa edad niyang tatlong taong gulang, alam niya na raw na siya ay isang gay.

"Yeah, like parang mga 3 years old pa lang ako, alam ko na [gay ako]. Pero ito na lang lately 'yong trans. Well, it all started with my 2 sisters kasi I have 2 sisters and ako 'yong sumunod after ng dalawang babae,” ani Awra.

"So, growing up, naiinggit ako kasi ang dami nilang choices e. Puwede sila magshorts, puwede sila magpalda, mag-dress, tapos ako polo and short or pantalon lang,” dagdag pa niya.

Aniya pa, nakatulong daw sa kaniya ang pagsuporta sa kaniya ng kaniyang ama, kung kaya’t nalaman niya ring nais niya talagang maging transgender sa hinaharap.

“Growing up, alam ko nang bakla ako kasi gusto ko 'yong Hello Kitty nila na swimsuit, gusto ko 'yong Barbie. Sinuportahan naman ako ng tatay ko kaya nung lumaki na ako, alam ko na magta-trans ako,” anang Kapamilya star.

Inilahad niya rin ang isa pang dahilan kung bakit niya na-realize na siya ay talagang transgender, at hindi isang gay.

“Iyong moment na gusto ko mag-transition na babae talaga. Kasi 'pag gay, before, sinasabi ko na gay lang ako, bakla lang ako, kasi wala naman akong balak mag-transition. Pero noong nasabi ko, 'yong parang kuntento na ako na ito lang ako [na] nakakatawang bakla or like bakla lang na nagkakagusto sa lalaki,” aniya.

“Pero noong nasabi kong gusto ko mag-trans, 'yong gusto kong itrato akong babae. 'Yong gusto ko tingin sa akin babae, ganoon. Pero like hindi pa ngayon, pero may plan din akong magpa-sex change,” dagdag pa niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay laman ng balita si Awra matapos putaktihin ang kanyang graduation picture, kabilang na ang isang komento ng isang content creator.

MAKI-BALITA: Content creator sinita sa pronoun para kay Awra; netizens, rumesbak!-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA