Muling naglabas ng pahayag ang negosyante at lifestyle vlogger na si Camille Co kaugnay sa pagkakamali ng mga tao na siya ang tinutukoy sa online na “nepo baby” sa katauhan ni Claudine Co.
Ibinahagi ni Camille sa kaniyang Instagram story nitong Miyerkules, Setyembre 3 kung paano nakakaapekto sa personal niyang buhay ang buhos ng galit ng netizens sa kaniya imbes na ituon umano ito sa influencer-singer na si Claudine Co.
Aniya, maaari daw maituring na biro sa umpisa ang pagbibintang ng mga tao sa kaniyang pagkakakilanlan ngunit nagdulot daw iyon ng sobrang “stress” para sa kaniya.
“It may have seemed funny at first, but these past few days have been so stressful. I've been dragged into this mess so unfairly- not just with the mistaken identity but also asking me to be accountable for people I have zero control over,” panimula ni Camille sa kaniyang IG Story.
Pagpapatuloy ni Camille, binuo umano niya ang kaniyang career at reputasyon ngayon sa loob ng matagal na panahon.
“I have been in this industry for 15 years. FIFTEEN LONG YEARS to build my career and get to where I am now. FIFTEEN YEARS of building my reputation. I didn't know anyone in this industry. I started from zero. Never clinged to anyone for fame or clout despite various opportunities to do so. Never tried to climb the social ladder. Never even click baited by you. Because I'm that adverse to fakery and infamy,” saad ni Camille.
Dagdag pa niya, “Lord knows how anxious I get when I see my posts becoming viral because this means they'll soon reach people I don't normally reach - people outside my target demographic who honestly scares me.”
Binigyang-diin naman ni Camille sa pagsasapubliko ng kaniyang saloobin na nais lang daw niyang bumalik sa normal ang pagtatrabaho niya sa pagbuo ng mga content para sa kaniyang pamilya at bilang kaniyang kabuhayan.
“I just want to go back to working like how I used to because content creation is my bread and butter. This is what I do for my family… This is how I pay for our house, food, staff, my kids' education, everything. This is my livelihood[...]” pagtatapos niya sa una niyang IG story.
Sa ikalawang IG story ni Camille, sinabi niyang hindi niya babaguhin ang apelyidong matagal niyang binuo at binigyan ng reputasyon sa social media para lamang sa usaping ng pagkakamali ng mga tao sa kaniya at kay Claudine Co.
“And to those telling me to change my last name na lang to my husband's, I know you mean well but why? Why will I allow these people to take away my name that I worked so hard to build and protect? I refuse to let them take my name from me,” ‘ika pa ni Camille.
Pinasalamatan naman niya ang mga taong nagpahatid ng pag-aalala para sa kaniya.
Matatandaang nagulat noon si Camille nang madawit ang pangalan niya sa binabatikos ng mga tao kaugnay sa pangangalandakan umano ng maluhong pamumuhay bago matapos ang Agosto.
KAUGNAY NA BALITA: Vlogger Camille Co, napagkamalang nepo baby: ‘I’m just a hardworking queen’
Ngunit agad naman niya ito noong itinanggi sa pamamagitan ng pagpo-post sa kaniyang social media account.
“Imagine my surprise opening my TikTok and discovering a ton of comments because of the viral Co’s. I’m not related to them nor do I know them Why naman Lordttttttt,” saad ni Camille.
Dagdag pa niya, “I’m not an heiress. I’m just a hardworking kween. ”
Ngunit sino nga ba si Claudine Co na naipagkamaling tukuyin ng mga tao?
KAUGNAY NA BALITA: Kilalanin: Sino nga ba ang pinag-uusapang si Claudine Co?
Ayon sa mga ulat, si Christopher ang co-founder umano ng Hi-Tone Construction and Development Corporation, habang si Zaldy naman ay may kaugnayan umano sa Sunwest Group of Companies—na parehong kasama sa listahan ng Top 15 contractors na isiniwalat ni Pangulong Bongbong Marcos na nakatanggap umano ng limpak-limpak na pondo mula sa flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Sino-sino may-ari ng 15 contractor companies na pumaldo sa pondo ng flood control project?
Mc Vincent Mirabuna/Balita