December 19, 2025

Home BALITA Internasyonal

Urirat ng netizens: PBBM, 'di invited sa pagtitipon ng world leaders sa China?

Urirat ng netizens: PBBM, 'di invited sa pagtitipon ng world leaders sa China?
Photo courtesy: Bongbong Marcos, via China TV

Hinanap ng ilang netizens ang presensya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa isang pagtitipon ng mga pinuno ng iba’t ibang bansa sa Beijing, China.

Sa Facebook post ng China TV nitong Miyerkules, Setyembre 3, 2025, ibinahagi nito ang mga larawan ng iba’t ibang lider ng bansa kasama si Chinese President Xi Jinping para sa pagdiriwang ng 80th anniversary ng pagkapanalo ng China sa World War II laban sa Japan.

“World leaders gather in Beijing to remember history, honor fallen heroes, cherish peace, and create a better future,” saad ng caption ng nasabing FB post.

Samantala, tila mabilis namang kumalat ang naturang post kung saan ilang netizens ang nakapansin na wala raw entry ang Pilipinas na si PBBM nang tukuyin ng naturang post ang caption na “world leaders.”

Internasyonal

Canadian government, naglabas ng ‘travel warning’ sa mga lokal nilang magta-travel sa Pilipinas

“World leaders, bakit wala si baby em?”

“Bongbong left the group.”

“Bongbong Marcos ano na?”

“Wala ang pambato ng Pilipinas anek?”

“Wala si BBM kasi busy pa siya sa mga Duterte.”

“Hindi ka invited Bangag bawal kasi crocs don.”

Matatandaang noong Agosto ng palagan ng China ang naging pahayag noon ni PBBM patungkol sa pahayag niya tumitinding sigalot sa pagitan ng Taiwan at naturang bansa.

“If there is an all-out war, then we will be drawn into it,” ani Marcos. 

Dagdag pa niya, “There are many, many Filipino nationals in Taiwan and that would immediately be a humanitarian problem.”

Saad naman ng China, “Geographical proximity and large overseas populations are not excuses for interfering in others’ internal affairs.”

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag ang Palasyo hinggil sa naturang hindi pagdalo o hindi pag-imbita kay PBBM sa nasabing event sa China.

Nitong Miyerkules din nang pangunahan ni PBBM ang oath-taking ng mga bagong halal na opisyal ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na ginanap sa Malacañan Palace.