December 13, 2025

Home SHOWBIZ

‘Titang walang pake sa reveal?’ Carla, kinuyog matapos unahang isiwalat pagbubuntis ni Lovi

‘Titang walang pake sa reveal?’ Carla, kinuyog matapos unahang isiwalat pagbubuntis ni Lovi
Photo Courtesy: Carla Abellan, Bench (IG)

Pinutakti ng mga netizen si Kapuso star Carla Abellana matapos daw niyang unahan ang kapuwa aktres niyang si Lovi Poe na isiwalat ang pagbubuntis nito sa publiko. 

Sa Instagram post kasi ng isang kilalang clothing brand noong Linggo, Agosto 31, pinasilip nila ang baby ng modelong hindi pa nila pinapangalanan.

Sey sa caption, “Because loving your body means honoring every chapter it writes. This one is a story of change, beauty, and the most intimate kind of love.”

“Soon, we’ll reveal her most radiant transformation yet,” dugtong pa rito.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Komento naman ni Carla noon ding Agosto 31, “Congratulations, @lovipoe ” 

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Alam mo parang may attitude, something ka talaga. Kaya siguro fed up din sayo si Tom eh."

"@carlaangeline huy hahahahahahahahhaahhaha tita mong walang pake sa reveal2 na yan hhahahahha"

"@carlaangeline mas maganda sana kung nag antay ka Ms. Carla na Bench ang mag reveal, since yung post naman nila nakalagay we will reveal soon. Hinayaan mo na lang po sana yung mga netizens na mag bigay ng kanya kanya nilang comment para naman hindi ruined yung post ng bench."

"@carlaangeline haha nasa comment lng pala ang sagot huhu lagot ja "

"Halata naman na sa mga ig post nya Ang belly nya lagi syang nakalose polo or jacket"

"@carlaangeline confirm nga sya kasi sa tattoo nya sa gilid "

"@carlaangeline reveal ruined "

"@carlaangeline our queen of callouts and spoilers "

Matatandaang Setyembre 1 pa ni-reveal ng clothing brand na si Lovi ang tinutukoy nila sa post na kinomentuhan ni Carla. 

Maki-Balita: Lovi Poe, ibinalandra ang baby bump!

“This is what it means to truly Love Your Body—inside and out," mababasa sa Instagram post ng clothing brand na ineendorso ni Lovi. 

Ikinasal ang aktres noon pang Agosto 2023 sa British boyfriend niyang si Monty Blencowe na ginanap sa London, United Kingdom.

Ito ang dahilan kung bakit pansamantalang umalis noon si Lovi sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Pero bago pa man sila humarap sa altar, hinihinalang higit apat na taon na silang magkarelasyon ayon sa mga ulat.