Sinuspinde sa loob ng 90 araw ang lisensya ng truck driver na bumangga ang minamaneho sa isang bahay sa Mabitac, Laguna na ikinasawi ng isa habang dalawa naman ang sugatan.
Batay sa ibinahaging video ng Mabitac MDRRMO, makikitang bumusina nang malakas ang truck driver saka tumalon mula sa sasakyang minamaneho niya.
Hanggang sa tuluyang bumangga ang truck sa bahay ng biktima.
Bilang pagtiyak sa kaligtasan ng lahat ng road users, patuloy umanong isususpinde at ikakansela ng Department of Transporation (DOTr) ang lisensya ng mga iresponsableng tagapagmaneho ayon mismo sa acting sectretary ng ahensya na si Giovanni Lopez
Samantala, pinagpapaliwanag na ang truck driver kaugnay sa nangyari at isinasailalim na rin sa Alarm Status ang truck.