December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Kyline nagdiwang ng kaarawan, tinawag na 'celebration of independence'

Kyline nagdiwang ng kaarawan, tinawag na 'celebration of independence'
Photo courtesy: Screenshots from Kyline Alcantara (IG)

Ibinahagi ni Kapuso actress Kyline Alcantara ang kaniyang pagmumuni-muni at pasasalamat sa espesyal na araw ng kaniyang kaarawan sa pamamagitan ng isang makahulugang post sa social media.

“Today I pause to celebrate life, not just the years I’ve lived but the strength, courage, and faith that have carried me through,” panimula ni Kyline sa kaniyang birthday message.

Ayon sa aktres, malaki ang kaniyang pasasalamat sa mga pagsubok na dumaan sa buhay niya dahil dito niya natutunan ang kahalagahan ng tibay ng loob at pagiging matatag. “Every obstacle became a lesson, every struggle a stepping stone, and for that I am grateful,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat din siya sa Diyos, sa kaniyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagasuporta na naging bahagi ng kaniyang paglalakbay. Aniya, hindi siya magiging kung sino siya ngayon kung wala ang mga ito.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Itinuring din ni Kyline ang kaarawan na pagdiriwang ng kaniyang kalayaan at pag-usbong bilang isang indibidwal. “This birthday is also a celebration of independence, the freedom to grow, to dream, and to walk boldly into the future with faith and determination,” mensahe niya.

Sa pagtatapos ng kaniyang post, ibinahagi ng aktres ang pag-asa para sa mas mapayapa, mas masaya, at mas makabuluhang bagong taon ng kaniyang buhay. “Here’s to me, to growth, to gratitude, and to the chapters yet to be written,” wika ni Kyline.

Kilala si Kyline Alcantara bilang isa sa pinakabinibigyang-pansin na young actresses ng GMA Network, na patuloy na humuhubog ng pangalan sa industriya ng showbiz.

Kamakailan lamang ay nalagay sa kontrobersiya si Kyline matapos ang "hiwalayan" nila ng celebrity basketball player na si Kobe Paras.

KAUGNAY NA BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras hiwalay na nga ba?

Sumawsaw naman sa isyu ang nanay ni Kobe na si Jackie Forster at ipinagtanggol ang anak.

Pero bago ito, naging matunog muna ang naging hiwalayan nila ng Kapuso artist na si Mavy Legaspi, anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Naging isyu rin ito matapos pag-usapan at pagpiyestahan ang umano'y parinigan sa social media nina Kyline at Carmina.

KAUGNAY NA BALITA: Carmina natanong kung bet pang makatrabaho si Kyline

Inirerekomendang balita