December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Karen Davila: Ninanakawan na tayo, tayo pa nagbabayad ng ninakaw nila

Karen Davila: Ninanakawan na tayo, tayo pa nagbabayad ng ninakaw nila
Photo Courtesy: Karen Davila (FB), via MB

Nagbigay ng reaksiyon si Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kaugnay sa utang ng Pilipinas na isiniwalat ni Senador Win Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, pumalo na sa ₱17 trilyon ang kabuuang utang ng bansa. Samakatuwid, may ₱142,000 na utang ang bawat Pilipino.

Kaya sa isang X post ni Karen noong Martes, Setyembre 3, sinabi niyang kawawa na naman ang mamamayan.

“Kawawa tayong mga Pilipino,” ani Karen. “Imbes na mapunta sa edukasyon, pagkain, libreng pagpapagamot sa ospital… ayun, ang budget nasa bulsa ng maraming pulitiko.”

Musika at Kanta

Tawag sa kaniya, ‘Maui Wowie!’ Darren, natuwa sa pag-viral ng ‘Maui Wowie’ performance

Dagdag pa ng broadcast-journalist, “Ninanakawan na tayo, tayo pa ang nagbabayad ng ninakaw nila.”

Matatandaang kamakailan lang ay bumoses din siya sa lantarang pangungurakot ng ilang opisyal sa gobyerno.

Aniya, “Sa ibang bansa, ang nagnanakaw sa gobyerno nakukulong o naghaharakiri. Sa Pilipinas, kina-iinggitan. Tama na."

Maki-Balita: Karen Davila sa 'kurakot-shaming: 'It's high time... tama na!'