January 26, 2026

Home BALITA

Ilang solon, isinusulong pagpapababa ng edad na kwalipikadong tumakbong Presidente at VP

Ilang solon, isinusulong pagpapababa ng edad na kwalipikadong tumakbong Presidente at VP
Photo courtesy: Contributed photo

Inihain ni House Deputy Speaker Paolo Ortega at iba pang mga kongresista ang isang resolusyong magbababa sa minimum age requirement sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.

Kabilang sina Zambales 1st district Rep. Jefferson Khonghun, Manila 1st district Rep. Ernesto Dionisio, Jr., Lanao del Sur 1st district. Rep. Zia Adiong, 1-Rider Partylist Rep. Ramon Rodriguez, Cagayan de Oro 1st district Rep. Lordan Suan at Cebu City 2nd district Rep. Eduardo Rama sa mga kasama ni Ortega na isulong ang naturang resolusyon.

Laman ng nasabing resolusyon na higitin pababa sa 35 taong gulang mula sa 40-anyos ang edad sa kwalipikasyon para makatakbong Presidente at Bise Presidente ang isang Pilipino.

Idinamay din nito ang kwalipikasyon naman sa pagka-senador na ibaba sa 30-anyos mula 35 taong gulang ang batayan upang makatakbo ang isang nagnanais na maging kandidato.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Ayon sa nasabing resolusyon, may kakayahan na raw ang kabataan na makipagsabayan sa mahuhusay na pamumuno.

“The Filipino youth are globally competitive, socially aware, and capable of national leadership,” anang bahagi ng resolusyon.

Matatandaang nauna nang umugong ang nasabing pagpapababa ng edad para sa pagka-Pangulo mula sa isang Facebook post noon ni Negros Occidental 3rd district Rep. Javier Miguel "Javi" Benitez.

“Kung kaya na ng 35 sa U.S., bakit 40 pa sa Pilipinas? Sa U.S., 35 years old pwede nang maging Presidente. Sa Pilipinas, hinihintay pa ang 40," ani Benitez.