Maging ang Kapuso actress at TV host na si Gabbi Garcia ay bumoses na rin sa kasalukuyang nangyayari sa Pilipinas.
Sa panayam ng GMA Integrated News kamakailan, sinabi ni Gabbi na panahon na raw upang ipaglaban kung ano ang tama.
“We all know what's going on. It's about time people should speak up, people should fight for what's right, and we have to hold people accountable for all of their actions,” saad ni Gabbi.
Dagdag pa niya, “Tama na, tama na ang pagtitiis.”
Matatandaang isang makahulugang post ang ibinahagi ni Gabbi noong Agosto 29 matapos niyang ibida ang ilang snippets ng pagta-travel niya sa iba't ibang bansa.
Sa mismong video clips kung saan mapapanood ang mga snippet, mababasa ang text caption na "Rich in life 'cause I can travel the world & live my best days with my own hard-earned money."
Maki-Balita: Rich in life: Gabbi Garcia, nakaka-travel dahil sa 'own hard-earned money'
Ayon kay Gabbi, ginawa niya raw talaga ang post na ito para magbigay ng inspirasyon sa tao.
“That post is really to inspire people na be proud if it's your own hard-earned money,” aniya.
Naging mainit na usapin kasi ang maanomalyang flood control projects ng gobyerno noong mga nagdaang araw hanggang sa kasalukuyan.
Kaya naman kinuyog ng publiko ang ilang personalidad na panay ang pagbibida ng marangyang pamumuhay gayong may kaugnayan pala sa opisyal na sangkot sa palpak na proyekto.