January 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Banat ni Angelique Manto sa umano'y pananahimik para sa mga kaibigang ‘nepo babies’, usap-usapan

Banat ni Angelique Manto sa umano'y pananahimik para sa mga kaibigang ‘nepo babies’, usap-usapan
Photo courtesy: Angelique Manto (X)

Sinagot ng Influencer-beauty queen at dating courtside reporter na si Angelique Manto ang pag-mention sa pangalan niya sa social media kaugnay sa pananahimik niya umano patungkol sa batikos na kinakaharap ng mga kaibigan niyang “nepo babies.’ 

Ayon sa comment ng isang netizens, humingi siya ng maaaring sabihin ni Angelique kaugnay sa mga kaibigan niyang sina Vern at Verniece Enciso. 

“Ano po masasabi mo sa corrupt mong Enciso Vern and Verniece friends sa customs. Maliit lang flood project, their family they have been doing it over 12 years and mas malaki lagay per pasok customs,” pagtatanong ng isang netizen. 

Pahabol pa niya, “Or nalibre ka kasi nila kasi quiet ka.” 

Tsika at Intriga

Walang pa-anything, kukubra na lang? VIVA Films, binakbakan dahil kay Vice Ganda

Binigyang-atensyon naman ito ni Manto at nagbigay siya ng reply sa nasabing komento ng isang netizen.

Sinabi ni Manto na hindi raw umano sa nananahimik kaugnay sa isyu at makikita raw iyon sa pamamagitan ng pag-check sa personal profile ng social media account niya. 

To imply that my silence has been bought is deeply malicious, when a quick peek at my profile shows that I have not been silent at all,” pagsisimula ni Manto. 

Dagdag pa niya, nagtatrabaho rin umano siya nang tapat at nagbabayad ng buwis kaya galit din daw siya kagaya ng nararamdaman galit ng marami. 

“I work earnestly and pay for my taxes due too, so I feel angry as much as you are,” anang Manto. 

Pagpapatuloy pa niya, “[i]t might surprise you but people don’t go privy on other people’s financial background nor go around asking about them.” 

Nilinaw naman ni Manto na hindi niya kinukondena ang mga paglulustay sa pinaghirapang pera ng iba ngunit ganoon din ang pagtitingin ng malisya para sa mga tao nang basta-basta. 

“I don’t condone our hard-earned money used unjustly, but I also don’t condone people directing the malice towards people who are existing in the same industry,” pagtatapos niya. 

Angelique Manto  Threads

Kaugnay ng pag-uusap na ito ni Manto at ng isang netizen ang pagkakaroon umano niya ng koneksyon sa magkapatid na Vern at Verniece Enciso. 

Sina Vern at Verniece Enciso ay isa sa tinatangkilik na fashion influencers mula pa noong 2010 sa mundo ng social media. 

Ngunit kamakailang naging mainit ang pangalan nila bilang isa sa mga “nepo babies” na binansagan ng mga tao. 

Patungkol ang “nepo babies” sa anak ng mga indibidwal na nagtatrabaho sa sa pulitika at iba’t ibang ahensya ng gobyerno. 

Kung saan, ang tatay nila ay si Verne Enciso na siyang nagtatrabaho sa Bureau of Customs at sa anak ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte. 

Samantala, ibang reaksyon naman ang lumabas sa netizens dahil hindi umano nila ganap na naintindihan ang sinabi ni Manto. 

Narito ang ilang naibahagi ng mga tao sa social media:

“Di ko din gets ang sagot nya entirely.” 

“Alam na ang advocacy ni Angeline Manto.” 

“English para kunwari matalino ang argumento.” 

“PAG NABUKO TO THE MAX ANG PAGTANGGI. ENOUGH OF YOUR PRETENSES DENIAL QUEEN.” 

“Una sa lahat.. the “twin” sisters existed out of nowhere. Akala ko kung sinong anak mayaman na flaunt dito, flaunt doon. Anak pala ng tiga BOC” 

“Ito yung mga pagkakataon sana tumahimik na lang siya. Kung sino man yan.” 

“Parang ang nagsulat PR people nya.” 

“Di porket nag e-english ka eh magkaka sense ang sasabihin mo.” 

“Palusot ng tropa dahil soon malapit nang makulong.” 

“Ano daw?” 

“Contradicting yung statement sa last paragraph ah. Hahahaha.” 

Mc Vincent Mirabuna/Balita