December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Atom Araullo na-cringe sa performative outrage ng ibang mambabatas, opisyal: 'Sila naman nakikinabang'

Atom Araullo na-cringe sa performative outrage ng ibang mambabatas, opisyal: 'Sila naman nakikinabang'
Photo Courtesy: Atom Araullo (FB)

Nagbitiw din ng hirit ang award-winning Kapuso news anchor-journalist na si Atom Araullo patungkol sa talamak na korupsiyon sa Pilipinas.

Sa latest Threads post ni Atom nitong Miyerkules, Setyembre 3, sinabi niyang ang cringe umano ng ilang mambabatas at opisyal sa performative outrage ng mga ito.

“Ang cringe ng performative outrage ng ibang mambabatas at opisyal natin. Eh sila naman yung nakikinabang sa korapsyon. Para namang kaming ipinanganak kahapon mga mamser,” saad ni Atom. 

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang komento:

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

"I cannot stomach joel Villanueva who is a pastor pa? Tangina demonyo."

"Magnanakaw rin ang nagtatanong sa isa pang magnanakaw. Isang malaking joke! ‍ "

"Kailan pa nagkaroon ng positive outcome yung mga hearings? Pansin niyo din po ba, madaming issue na nangyayari tapos may pa committee pa sila ending wala naman talagang nakulong, walang perang nabawi at walang kawatan na umamin. Circus lahat ang senado. Nakakalungkot!"

"Paging joel villanueva"

"So true.. performance level ang performative outrage. Very artista levels. sarsuela lang puro palabas lng‍‍"

"Cringe yung nagalit yung kapwa sa kapwa nya "

"They make us fools but we aren't. Kunyari kunyariang hearing pero baboo n nmn yan soon. Jusko kung di lng tlga ma redtag baka we follow Indonesia's protest na din."

"Totoo! Haha!"

"like, the one's interrogating are also corrupt. Ang hirap paniwalaan!! Independent Investigative Buddy talaga ang solusyon! "

"Puro grandstanding! Tapos ang nagtatanong mandarambong din na mahina comprehension."

"They thought we have forgotten about their graft charges and anomalous acts. Tsk"

"Preach!!! Nakakagigil!!!"

Matatandaang humaharap ang Department of Public Works and Highway (DPWH) sa anomalya ng flood control projects. 

Batay sa isiniwalat ng dating kalihim nitong si Sec. Manuel Bonoan,  ghost projects umano ang ilan sa flood control na ipinagkaloob sa Wawao Builders, Inc sa Bulacan.

Ayon kay Bonoan, umabot umano sa  ₱5.9 bilyon ang halaga ng kontratang ibinigay sa Wawao. 

“In Bulacan alone, Wawao Builders had 85 projects amounting to 5.9 billion [...]  There seems to be some ghost projects,” anang kalihim.

Maki-Balita: DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!

Kinumpirma naman ito ni DPWH Usec. for Planning Services Maria Catalina Cabral sa ikalawang pagdinig matapos siyang tanungin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada tungkol dito.

“You believe, you support, the statement of the former Secretary [Bonoan] that, indeed, there are ghost projects?” tanong ni Estrada.

Sagot ni Cabral, “Yes po, Your Honor.”

Maki-Balita: Opisyal ng DPWH, umamin sa ghost projects ng ahensya

Inirerekomendang balita