Ibinahagi ni Kapamilya star at "It's Showtime" host Anne Curtis-Heussaff ang naging sagot niya sa isang panayam ng lifestyle magazine kung ano sa palagay niya ang "big no-no" ng aspiring artists na nais pumasok sa showbiz.
Sa video clip na ibinahagi niya sa X, natanong muna si Anne kung ano ang maibibigay niyang payo o advice sa mga aspiring actress na nagnanais makapasok sa industriya, at tularan ang naging journey niya.
"You know what if this is something that you're passionate about and feel strongly for, I would have to say that you should continue to dream big, hold on to those dreams but have the patience to work hard for them, because this isn't something that is going to be served to you on a silver platter."
"This is something that you've worked hard for. You might reach that point where you feel defeated, but that doesn't mean that you have to give up on it. You might look for other things to work on but keep hold of that dream. Dream big because I believe they can happen if we've worked hard for them."
Sa follow-up question naman sa kaniya, natanong naman sa kaniya kung ano ang "big no-no" sa showbiz.
"Lacking authenticity," sagot ng aktres at TV host.
Sa kaniyang X post naman, inamin ni Anne na hindi rin naman siya nagkaroon ng "squeaky clean image" sa industriya. Inamin niyang marami rin siyang mistakes na nagawa.
Subalit inamin daw niya ito at publiko at natuto mula rito.
"HAHAHA! I honestly think that’s why I’ve lasted this long in the industry. 28 years!!! I’ve never had a squeaky clean image. I’ve had my fair share of mistakes. Owned up to them publicly and learned from them. Stayed true to my core. Thanks for standing by me everyone," aniya.
Nagtrabaho muna sa GMA Network, matatandaang unang nakilala si Anne bilang cast member ng "Ikaw Na Sana" at at youth-oriented TV program na "T.G.I.S." bago lumipat sa ABS-CBN noong 2004.
Nakatanggap siya ng breakthrough sa kaniyang career nang gumanap siya bilang pangunahing karakter sa fantaseryeng "Kampanerang Kuba" noong 2005.
Simula noon ay nagtuloy-tuloy ang showbiz career ni Anne sa Kapamilya Network, hanggang sa maging host ng "It's Showtime" at maging hit sa box-office ang pelikulang "No Other Woman" kasama sina Derek Ramsay at Cristine Reyes, na kolaborasyon ng Star Cinema at Viva Films.
Bumida rin siya sa iba pang fantaserye gaya ng "Dyosa" at "Dyesebel," kaya dito niya nakuha ang taguring "Dyosa" ng Philippine Showbiz.
Kahit aminadong hindi kagandahan ang boses, talaga namang dinaragsa at sold-out ang kaniyang mga concert.
Isa rin siya sa mga Pinoy celebrity na may pinakamataas na following at impluwensya sa social media.
Celebrity advocate din siya bilang National UNICEF Goodwill Ambassador mula 2015.
Nagpakasal kay celebrity chef Erwan Heussaff noong Nobyembre 12, 2017, at biniyayaan sila ng isang anak na si Dahlia Amélie.
Sa ngayon, bumalik sa pag-arte sa teleserye si Anne, para sa Philippine adaptation ng "It's Okay To Not Be Okay" katambal si Joshua Garcia, na napapanood sa Netflix at ABS-CBN platforms.