January 26, 2026

Home BALITA

Abogado ng mga Discaya sa pagka-revoke ng lisensya ng 9 nilang construction firms: 'Dapat may due process!'

Abogado ng mga Discaya sa pagka-revoke ng lisensya ng 9 nilang construction firms: 'Dapat may due process!'
Photo courtesy: Contributed photo

Nagpahayag ng pagkadismaya ang abogado ng pamilya Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III sa pagka-revoke ng mga lisensya ng 9 nilang construction firms.

Sa kaniyang press conference nitong Miyerkules, Setyembre 3, 2025, iginiit niyang malinaw na dapat sumunod sa due process ang Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) bago tuluyang bawian ng lisensya ang construction firms ng mga Discaya.

“Kasi dapat may due process ‘yan eh. Hindi basta-basta nire-revoke,” ani Samiengo.

Pinuna rin niya ang tila pakiki-ride on daw ng PCAB sa isyung kinahaharap ng mga Discaya sa pagkakasangkot nito sa umano’y anomalya sa flood control projects.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

“Lahat po dapat dumaan tayo sa due process. Hindi pu-pwede yung dahil nakiki-ride on ka lang sa isyu, eh swift po yung action natin. Hindi po ganon, may tinatawag po tayong due,” anang abogado.

Matatandaang binawi ng PCAB ang lisensya ng 9 na construction firms ng pamilya Discaya bunsod umano ng lumabag nito ng mga kompanya sa patakaran laban sa sabayang paglahok sa mga bidding ng iisang may-ari.

“[S]uch admission establishes a scheme of joint or multiple bidding participation designed to influence the outcome of public bidding, manipulate results, and corner public projects thereby undermining transparency, fairness, and competition,” anang PCAB.

KAUGNAY NA BALITA: 'Walang itinira?' PCAB binawi lisensya ng 9 na construction firms ng mga Discaya

Nairot ang 9 na construction firms na tinutukoy ng PCAB: 

St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Dev’t Corporation

Alpha & Omega Gen. Contractor & Dev’t Corporation

 St. Timothy Construction Corporation

+Amethyst Horizon Builders And Gen. Contractor & Dev’t Corp.

 St. Matthew General Contractor & Development Corporation

 Great Pacific Builders And General Contractor, Inc.

YPR General Contractor And Construction Supply, Inc.

 Way Maker OPC

Elite General Contractor And Development Corp.

Matatandaang kabilang sa 15 constructions firms na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na nakakuha ng malalaking pondo sa nasabing proyekto ay ang dalawang firm ng mga Discaya na  Alpha and Omega Construction at St. Timothy Construction.

KAUGNAY NA BALITA: 9 na umano'y construction firm ng mga Discaya, isiniwalat ni Hontiveros