Patay ang isang anim na taong gulang na batang babae matapos siyang aksidenteng mabaril ng kaniyang ama sa Victorias City, Negros Occidental.
Ayon sa mga ulat, naiputok umano ng amang suspek ang kaniyang baril habang nakikipag-inuman. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, nilalaro daw ng suspek ang kaniyang baril nang bigla niya itong makalabit kung saan direkta nitong tinamaan ang kaniyang anak.
Tinamaan ng bala sa pisngi ang biktima. Sinubukan pang itakbo sa ospital ang bata ngunit kalaunan ay binawian din siya ng buhay.
Samantala, wala raw balak magsampa ng reklamo ang kaanak ng biktima ngunit patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung legal at lisensyado ang nasabing baril na nakadali sa biktima.