December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vlog ni Julius kinalkal: Higit 30 luxury cars ni Sam Verzosa, kinuwestyon ng netizens

Vlog ni Julius kinalkal: Higit 30 luxury cars ni Sam Verzosa, kinuwestyon ng netizens
Photo courtesy: Sam SV Verzosa (FB), Julius Babao UNPLUGGED (YT)

Umani ng reaksiyon at komento mula sa netizens ang isang kumakalat na video clip sa social media kaugnay sa pagsasabi ng boyfriend ng Kapuso actress na si Rhian Ramos na si Sam Verzosa, isang Filipino businessman at politician, sa pagkakaroon niya ng aabot 30 “high-end cars.” 

Mula ang nakalkal na spliced video sa Facebook sa naging interview ng mamamahayag na si Julius Babao kay Verzosa noong Marso. 

Nabanggit ni Verzosa sa panayam na lampas 30 ang bilang ng kaniyang mga sasakyan at makikita sa video na karamihan sa mga sasakyang nakaparke sa loob ng kaniyang mansion ay pawang mga kulay puti. 

“Gaano karami ang lahat ng sasakyan mo?” pagtatanong ni Babao. 

Tsika at Intriga

'Parang mga barbaro, taong yungib pa rin mag-isip!' John Arcilla, gigil sa mga bayolente sa aso

“Lampas 30 po,” sagot naman ni Verzosa. 

Aabot lamang sa 15 segundo ang nasabing Facebook video. 

Dinumog naman ng batikos mula sa mga netizens ang muli ngayong napansing video patungkol Verzosa. 

Narito ang iniwang komento ng mga tao: 

“[U]nexplained wealth.” 

“Ang alam ko din is he is the CEO of Frontrow.”

“Sila ang body body ni Tambalulus! Nimimigay sila ni buwaya ng pera.” 

“Magkano naman kaya tinanggap ni babaw dyan?” 

“Not judging pero 30 plus cars? Alam na yan pag ganyan.” 

“Scam na naman to.” 

“[F]rontrow kayo ng frontrow nasa kongreso, pulitiko yan.” 

“[I]sa pa rin ito mabubuking rin ang mga pinagnanakaw mong pera ng bayan.”

“BUTI LANG NATALO. KUNG NANALO YAN, MAS MASAHOL PA YAN KAY LACUNA.” 

“Ganyan sya bago umentra sa politika, noh? Nagdonate pa mga sya ng proceeds from his high end cars.” 

Samantala, wala namang inilalabas na pahayag si Verzosa kaugnay sa pagkalat ng naturang video sa FB maging sa kaniyang mga social media accounts. 

Matatandaang naging mainit ang usapin patungkol sa mga politikong nagmamay-arip ng mga luxury cars matapos maungkat ang anomalya sa mga flood-contrrol projects.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa, ibinalandra mga presyo ng luxury cars ng mga Discaya; pinakamahal, pumalo ng ₱42M!

Isa sa mga naging mainit na pangalan sa mata ng publiko ang negosyante at dating mayoral candidate sa Pasig City na si Sarah Disccaya. 

Ayon sa naging pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes, Setyember 1 ibinahagi ni Discaya na ₱42 milyon ang pinakamahal na luxury car ang kaniyang nabili. 

Ito ang Rolls-Royce ni Discaya na binili niya dahil umano nagustuhan niya ang payong na kasama ng sasakyan ayon sa naging panayam niya sa parehong mamamayag din na si Babao. 

KAUGNAY NA BALITA: Estrada kay Discaya tungkol sa 28 luxury cars: 'You bought that from the taxpayers' money?'

KAUGNAY NA BALITA: Sarah Discaya, aminadong binili ang isang luxury car dahil natuwa siya sa payong

Mc Vincent Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita