December 14, 2025

Home BALITA National

Vico Sotto sa Senate hearing sa mga Discaya: 'Di sila masyadong honest'

Vico Sotto sa Senate hearing sa mga Discaya: 'Di sila masyadong honest'
Photo courtesy: Balita Files, Senate of the Philippines

Matapos isagawa ang ikalawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pag-iimbestiga sa maanomalyang flood-control projects, nagbahagi ng isang post si Mayor Vico Sotto kaugnay rito. 

Ayon sa Facebook post na inupload ni Pasig City Mayor Sotto ngayong Martes, Setyembre 2 sinaad niya na dapat umanong kumilos nang mabilis ang mga awtoridad bago pa man matakas sa imbestigasyon ang mga tao sa likod ng maanomalyang flood-control projects. 

“I hope all relevant authorities act quickly, before they get away. We will continue to do our part,” ayon kay Mayor Sotto. 

Dagdag pa niya, “[h]indi tayo papayag na basta na lang tatahimik at mawawala ang isyu pagkatapos ng ilang buwan; kailangan may managot.” 

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Sinaad ni Mayor Sotto na patuloy lamang na magiging paulit-ulit ang pangyayaring ito kung hindi mananagot sa batas ang mga nasa likod ng maanomalyang flood-control projects. 

“Contractors, Politicians, and DPWH and other government employees. Kung hindi, paulit-ulit lang ‘to mangyayari sa bayan natin,” anang Mayor. 

Kaugnay ng nasabing post ni Mayor Sotto sinabi niyang hindi naging "honest" si Sarah Discaya.

“[D]i sila masyadong honest,” aniya. 

“When being questioned by Sen. Erwin Tulfo, Madam Cezarah distanced herself from 8 out of their 9 companies[...] B[ut what’s the truth?] Nadulas din siya (o nalito na sa lahat ng kasinungalingan??) sa loob lamang ng ilang minuto,” para kay Mayor Sotto. 

Sa pagpapatuloy niya, napatunayan ito ng naging pagsagot ni Discaya sa mga tanong ni Sen. Jinggoy Estrada patungkol sa bilang umano sa siyam (9) na kompanya umano na hawak nila Discaya. 

“[...]Hanggang ngayon? Until now you own these 9 companies?” pagtatanong ni Sen. Estrada. 

“Yes po,” na naging pag-amin ni Discaya ayon kay Mayor Sotto. 

Nang siguraduhin muli ng nasabing senador ang naging sagot ni Discaya, biglang naging iba umano ang kasagutan niya. 

“So, you confirm, lahat ng siyam (9) na iyan kayo o ikaw ang may-ari?

“PART-owner po[...]” pahabol ni Discaya. 

Hindi napigilang makapagbigay ng reaksyon ni Mayor Sotto sa pagpupuna niya at tila hindi niya mawari ang dahilan ng mga Discaya na hindi pagsasabi ng totoo pagdating umano sa pera. 

“Ang kulit[!] Hindi ko alam kung ano pa ang pinagtatakpan nila pag dating sa pera nila, pero halatang gumagamit sila ng mga dummy,” anang Mayor. 

Bukod dito, ilan din sa mga tinukoy ni Mayor Sotto sa mahaba niyang post ang tungkol sa pagkakaroon ng koneksyon ng ilan pang mga indibidwal at miyembro ng pamilya ni Discaya na konektado sa mga kompanya nila. 

Matatandang si Discaya ang isa sa nakuyog sa naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes, Setyembre 1 patungkol sa pag-iimbestiga sa mga kontratista sa flood-control projects.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Para hindi kayo ang magilitan lang ng leeg, magturo na kayo’—Sen. Marcoleta

Bago magsimula ang pagdinig, hinikayat ng Senate Blue Ribbon Committee Chairperson na si Sen. Rodante Marcoleta na ituro na ang maaari nilang kilala na matataas na indibidwal sa likod ng korapsyon ng “ghost projects” upang hindi lang sila ang managot kung may mapatunayan ang imbestigasyon. 

Matapos si Marcoleta, sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen, Erwin Tulfo naman ang nag-imbestiga sa mga kontratista partikular kay Discaya.

KAUGNAY NA BALITA: Sarah Discaya, umaabot sa isa hanggang tatlo binibiling luxury car sa isang taon

Inamin ni Discaya sa pagdinig na umaabot sa isa o hanggang tatlong mamahaling mga kotse ang nabibili nila minsan umano sa loob ng isang taon.

Inisa-isa rin ni Discaya sa pagdinig ang mga mamahaling sasakyan na nabili niya mula 2016 hanggang kasalukuyan. 

Aabot sa humigit-kumulang ₱158 milyon ang halaga ng lahat ng luxury cars na nabili nila Discaya kung kukuwentahin ang lahat ng presyong kaniyang nabanggit sa pagdinig. 

Samantala, umaasa naman si Mayor Sotto na direktang matanong pati ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na pagdinig kaugnay sa nasabing imbestigasyon. 

“For next hearing, I hope both the contractors and the DPWH officials will be asked directly: Totoo ba na naga-[advance] ang ibang contractor ng hanggang 40% ng project cost sa mga congressman/politiko?” ‘ika ni Mayor Sotto sa kaniyang post. 

Pagtatapos niya, “[a]t para sa Discaya group, sana hindi lang si Madam Cesarah ang ipatawag, dahil mukhang mas may alam kanyang Campaign Spokesperson and DPWH Project Mistermind na si Curlee “Great Pacific” Discaya.” 

KAUGNAY NA BALITA: Vico Sotto sa pagdinig ng Senado kay Discaya: 'Ipatawag din pati ang Mistermind'

KAUGNAY NA BALITA: Discaya kay Sen. Bato kung kailan nagsimula sa flood control projects: '2016 onwards!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita