December 13, 2025

Home BALITA National

Utang pa more! Netizens umalma sa ₱142k na utang ng bawat Pinoy batay sa PH debt

Utang pa more! Netizens umalma sa ₱142k na utang ng bawat Pinoy batay sa PH debt
Photo courtesy: Unsplash

Umalma ang maraming netizens sa balitang aabot sa ₱142,000 kung kukuwentahin ang utang ng bawat Pinoy batay sa kasalukuyan kabuuang utang ng bansa.

Ayon ito sa inihayag ng Committee of Finance Chair na si Senator Sherwin Gatchalian na kung hindi mareresolbahan, matatapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos nang may pinakamataas na naitalang utang kaysa sa mga nagdaang administrasyon.

“If we don’t manage debt, the Marcos administration will end its term by accumulating the highest debt accumulation out of all administrations,” pagpapaliwanag ni Sen. Gatchalian.

Paggigiit naman ng Secretary of Finance na si Sec. Ralph G. Recto, 70 porsyento ng kabuuang utang ng mga Pinoy ay napapakinabangan din nila.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“You can look at the debt to GDP or savings to GDP...one man’s liability is another man’s asset. So 70% of our debt that we owe to ourselves is actually an asset of Filipinos,” paggigiit ni Recto.

Makikita umano ito sa mga pondo na inilaan sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), at Philippine Health Insurance Corporation.

“It is your pension funds, it is invested by GSIS, invested by SSS...PhilHealth,” pagtatapos niya.

Samantala, tila hindi nagustuhan ng netizens ang balitang ito.

Narito ang ilang mga iniwan na komento ng mga tao kaugnay sa nasabing balita:

“Nag scroll lang nagka utang pa.”

“Or should we say the government owes us that amount.”

“Ngayong sa utang kasali kami,pag sa ayuda hindi.”

“These loans of the country are at least 20 years to pay at a very low interest. They were loaned by the government for long-term national assets.”

“Kami n nga ninakawan Ng buwis!!! Kami pa ngyon ang my utang??!!”

“Pede ba deferred payment via Credit card?”

“Kung hindi kayo kurakot.. wala sana utang ang pinoy!!!”

“Bat samen? Singilin niyo yung nagnakaw.”

Samantala, ayon sa tala na inilabas ng Bureau of Treasury at Department of Finance, aabot na sa ₱16.31 trilyon ang utang ng National Government ng Pilipinas sa katapusan noon ng buwan Enero 2025.

Mc Vincent Mirabuna/Balita