December 13, 2025

Home FEATURES Trending

Social media influencer, lie low raw muna sa ‘kasamaan’ matapos sagutin ni Mayor Vico

<b>Social media influencer, lie low raw muna sa ‘kasamaan’ matapos sagutin ni Mayor Vico</b>
Photo courtesy: little.ichan (IG)

“Sir, isa ka pag-asa namin eh. Wag ka nang makinig sa’kin,” ito ang sagot ng social media influencer na si Ichan Remigio sa iniwang komento ni Pasig Mayor Vico Sotto sa kaniyang content kamakailan. 

Sa nasabing content na kasalukuyang naka-post sa Instagram, nagbibigay ng “illegal” na tips si Remigio sa followers nito para magkaroon ng mabilis na pag-asenso sa buhay. 

“Nag-aral ka hanggang 20 years old, tapos magtatrabaho ka hanggang 60 years old. Imagine ang tagal niyan puro pagtatrabaho lang ‘yong ginagawa mo, eh kung namatay ka, hindi mo na na-enjoy,” aniya.

“Eh kung ganito ang buhay mo, 5 to 20 nag-aral ka, lahat ng natutunan mo diyan, inapply mo sa illegal which is ‘yong 25 to 30 years old mo, 5 years lang. Tapos itong 35 to 70, enjoyment na. Diba sobrang ganda ng buhay kapag nag-sacrifice ka, nag-illegal ka,” dagdag niya. 

Trending

KILALANIN: Ang pumanaw na PBA Legend na si Jimmy Mariano

Ang reel na ito ay kinagiliwan ng netizens at umabot ng mahigit 200K engagements, na maging ang alkalde ng Pasig ay isa sa mga nag-iwan ng kaniyang komento.

“Sir, kunwari kaka-36 yrs old lang, pwede pa po ba ito gawin? Asking for a friend,” pagbibiro ni Sotto. 

Magiliw namang pinaunlakan ni Remigio ang tanong ni Sotto sa update nito sa kaniyang social media kamakailan. 

“May nagtatanong sa’kin ang hirap sagutin,” panimula niya. 

“Sir, isa ka sa pag-asa namin, wag ka nang makinig sa’kin,” kaniyang dagdag. 

Pabiro ring ibinahagi ni Remigio na ibibigay niya sa alkalde ang mobile phone na makukuha mula sa mga magiging brand deals niya sa hinaharap para hindi na nito kailangan gumagawa ng “illegal.”  

“Kidding aside, thank you thank you so much ng dahil sa’yo nagkakaroon kami ng pag-asa,” aniya sa pagtatapos ng video. 

Si Remigio ay kilala sa kaniyang “satirical” videos tungkol sa pag-unlad sa pamamagitan ng “illegal” na paraan, at sa kasalukuyan, mayroon siyang higit  na 100k followers sa social media. 

Sean Antonio/BALITA