December 13, 2025

Home BALITA

Sen. Risa, nagulantang na 2 flood controls lang sa QC ang may koordinasyon sa LGU

<b>Sen. Risa, nagulantang na 2 flood controls lang sa QC ang may koordinasyon sa LGU</b>
Photo courtesy: Senator Risa Hontiveros (FB), Quezon City Government (FB)


Nagulantang si Sen. Risa Hontiveros matapos mapag-alamang dalawa lamang na flood control system ang may koordinasyon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Ibinahagi ng senadora sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Setyembre 2, na may 254 na flood control projects ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa QC, ngunit dalawa lamang umano ang may koordinasyon sa lungsod.

“254 flood control projects sa Quezon City, 2 lang daw ang cinoordinate sa Quezon City Hall. How does DPWH-NCR explain this!?,” ani Sen. Risa.

Inilahad naman ng mambabatas na uusisain niya ito at iimbestigahan sa susunod na pagdinig ng Senado ukol sa flood control.

“Will pursue this issue and other shenanigans by DPWH regional offices in the next hearing of the Senate flood control probe,” anang mambabatas.

Umani naman ng komento at reaksyon ang nasabing post ni Sen. Risa ukol sa flood control.

“Sen. Risa sana po pati si Cong. zaldy Co at pamangkin na si Claudine Co imbestigahan sa senado. Don't let THEM get away with THIS...Thank you very much for your hardwork and effort…”

“Ang tanging gusto lang po namin ay may managot at may makulong. That's the only justice that we seek. Lumalaban po kami nang patas sa buhay. Pinapasahod ang mga nasa pamahalaan gamit ang buwis na pinaghihirapan namin.”

“Para sa akin Hindi na dapat nila Gawin Yun Kasi masmataas Sila kesa sa LGU And Ang project nila is long-term dapat.. unlinked LGU Yung project nila pang Hanggang term lang nila”

“Pag pina alam sa LGU, baka humingi pa ng cut sa kikitain ng mga taga DPWH at cong.”

“Kase po Wala Silang balak na ipagawa gusto ghost project Sila lang nakakaalam kung Hindi pa bumaha nang husto Hindi pa malalaman Ang secrito nila”

Matatandaang hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pagdinig sa Senado ng umano’y peke at maanomalyang flood control projects ng DPWH sa bansa.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bam, nagmungkahi ng bagong estratehiya para masugpo malalang pagbaha-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA