January 04, 2026

Home BALITA Politics

Sana raw magkatotoo: Panaginip ni Bato, 'Mayor Rody was granted house arrest!'

Sana raw magkatotoo: Panaginip ni Bato, 'Mayor Rody was granted house arrest!'
Photo courtesy: Ronald "Bato" Dela Rosa (FB)/MB

Ibinahagi ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang kaniyang panaginip tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na mababasa sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Setyembre 1.

Ikinuwento ng senador na sa kaniyang panaginip ay ipinagkaloob daw kay Duterte ang house arrest.

Dito raw ay nagyakapan silang dalawa at narinig niya ang dating Pangulo na bumulong: “Ronald, I’m okey now.”

"Last night I had a dream: Mayor Rody was granted house arrest. We had a tearful reunion. We hugged each other & he whispered to me; 'Ronald, I’m okey now.'…..Lord, pls make my dream come true," mababasa sa post ni Dela Rosa.

Politics

Nakangiti pa! Ombudsman Boying Remulla hindi AI, buhay na buhay

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"That's everyone's dream sir Ronald Bato Dela Rosa."

"Our prayers may grant him for his good deeds"

"baka ibang Lord yan?"

"God is good! And dreams will do do come true."

"Dreams do come true, fingers crossed!"

Kilalang malapit si Dela Rosa kay Duterte mula pa noong panahong siya’y hepe ng Davao City Police Office hanggang sa kaniyang pagtalaga bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Duterte administration.

Si FPRRD ay kasalukuyan pa ring nasa detention center ng International Criminal Court (ICC) matapos dakpin noong Marso 2025, dahil sa kasong crimes against humanity, kaugnay sa umano'y madugong giyera kontra droga sa panahon ng kaniyang administrasyon.

Sa parating na Setyembre 23, nakatakda na ang pagdinig para sa confirmation of charges para sa kaniyang kaso.

Samantala, naniniwala naman ang legal counsel ni Duterte na si Atty, Nicholas Kaufman na mapagbibigyan ng ICC si Duterte para sa hinihiling nilang interim release para sa kliyente.

Nagkaroon ng panayam kay Atty. Kaufman ang ilang media at Duterte supporters sa The Hague, Netherlands.

Sa inilabas ding video sa YouTube ng vlogger at Duterte supporter na si Alvin Sarzate ngayong Martes, Agosto 26 tinanong niya ang abogado tungkol sa magiging desisyon ng ICC sa application nila ng interim release ni FPRRD.

“Personally speaking, I am always confident. I can only speak for myself. I can’t speak for the judges. We have the judicial process,” saad ni Kaufman.

Dagdag pa niya na ginawa na ng kampo nila ang lahat, “We’ve done the best we can. We argued [about] everything possible. We just hope that the judges will agree.”

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Kaufman, buo ang tiwalang papayagan ng ICC interim release ni FPRRD