Paumanhin ang hingi ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez sa miyembro ng mga press matapos niyang magbigay ng mga paratang na umano’y gumagawa ng “media spin” ang mga mamamahayag laban sa kaniya.
Inihayag niya ang kaniyang paumanhin sa isang livestream gamit ang kaniyang Facebook account, sa House of Representatives (HOR) nitong Martes, Setyembre 2.
“Thank you for this opportunity to defend myself and clarify some facts. To the members of the press, who took offense in my social media post, I sincerely apologize,” aniya.
“Sensitive information has been removed. I understand that the media endeavors to get my side of the story. I acknowledge your efforts, I’m sorry, and I could have handled it better,” dagdag pa niya.
Nagsimula ito noong inihayag ng kongresista sa kaniyang Facebook post, na ngayon ay burado na, na mahal daw umano ang media spin na ginagawa ng press laban sa kaniya.
“Mahal din itong media spin na ginagawa nila against me. Look at the similarities of the different socmeds and agencies asking questions,” ani Gomez.
“Alam na alam mong merong nagkukumpas. Alam na alam mong ginastusan. Ayus ahhhh. Gastos pa more mga ungas,” dagdag pa niya.
Matatandaang kasama sa nasabing post ng kongresista ang ilan sa mga pangalan at numero ng mga mamamahayag na nais lamang siyang hingian ng panig ukol sa flood control projects sa Leyte.
KAUGNAY NA BALITA: 'Dahil sa socmed post?' Goma, posibleng patawan ng 'ethics complaint'-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
Rep. Richard Gomez kumambyo, nag-sorry sa mga mamamahayag
Photo courtesy: Richard "GOMA" Gomez (FB)