December 15, 2025

Home FEATURES

'New memes are born!' Pagharap ng Wawao Builders' chief sa Senado, ginawang katatawanan ng netizens

<b>'New memes are born!' Pagharap ng Wawao Builders' chief sa Senado, ginawang katatawanan ng netizens</b>
Photo courtesy: Senate of the Philippines (YT)


Nasubok na naman ang pagiging malikhain ng mga Pinoy matapos lumikha ng iba’t iba at sari-sarili nilang mga bersyon ng “memes” ukol sa pagharap sa Senado ng umano’y General Manager ng Wawao Builders na si Mark Allan Arevalo noong Lunes, Setyembre 1.

Ibinahagi ng maraming Pinoy sa kani-kanilang Facebook accounts ang likha nilang memes patungkol sa pag-usisa ng mga senador kay Arevalo.

Isang user ang nagbahagi na tila nasa eskuwelahan si Arevalo at kinakabahan na baka mabunot ang kaniyang index card.



May isa namang parang nag-oorasyon si Arevalo gamit ang baso nitong may lamang tubig.




Isa pang meme na tila may isang babaeng dilat ang mata na nagbibigay kay Arevalo ng kape, tila ba pinakakalma ito sa gitna ng matinding emosyon.




Ginawa rin ng isang netizen na drummer ang general manager ng Wawao Builders, na humaharap ngayon sa imbestigasyon ukol sa flood control projects.



Ang mga “memes” na ito ay talaga namang nakatutuwa at nakakaaliw, na gawa ng mga malilikhaing pag-iisip at imahinasyon ng mga Pinoy.

Ngunit hindi maikakailang malaking-malaking isyu ang nasa likod nito, na dapat maiging kilatisin at masusing imbestigahin.

KAUGNAY NA BALITA: Wawao Builders sa kanila umanong ghost projects: ‘I invoke my right against self-incrimination’-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA