December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Mga Discaya mas marami pa raw kotse kaysa sa bra at briefs ng netizens

Mga Discaya mas marami pa raw kotse kaysa sa bra at briefs ng netizens
Photo courtesy: Screenshot from Julius Babao Unplugged (YT)/Freepik

Kinaaliwan ng mga netizen ang kumakalat na komento ng isang lalaki at babaeng netizens sa mainit na balitang maraming luxury cars ang kontrobersiyal na contractor at natalong Pasig City mayoral candidate na si Sarah Discaya.

Sumalang sa Senate Blue Ribbon Committee hearing si Discaya at iba pang inimbitahang contractors noong Lunes, Setyembre 1.

Kasama ang dalawang kompanya ng mga Discaya na Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corporation sa top 15 contractors na umano’y pumaldo sa mga flood control projects, batay sa impormasyong isiniwalat mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

BASAHIN: KILALANIN: Sino-sino may-ari ng 15 contractor companies na pumaldo sa pondo ng flood control project?

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Matatandaang binatbat ng mga tanong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada si Discaya kung ilan ang kabuuang bilang ng kaniyang luxury car. Nakuwestyon din ang pagbili niya ng Rolls Royce Cullinan dahil lamang sa payong nito.

Ayon kay Discaya, nasa 28 lamang ang kanilang luxury cars, bagay na taliwas sa nauna niyang pahayag sa mga panayam na nasa 40 umano ang pag-aari nila ng asawa niyang si Pacifico “Curlee” Discaya.

Kasunod nito, diretsahang tinanong ni Estrada kung totoo bang binili ni Discaya ang isang Rolls-Royce Cullinan dahil sa kakaibang feature nitong payong na nakalagay sa mga pinto.

KAUGNAY NA BALITA: Sarah Discaya, umaabot sa isa hanggang tatlo binibiling luxury car sa isang taon

Bagay na kinumpirma naman ni Discaya, batay na rin sa naging pahayag niya sa naging panayam sa kaniya ni Julius Babao. May payong daw kasi sa magkabilang side ng pinto ng nabanggit na luxury car kaya napabili siya nito.

KAUGNAY NA BALITA: Sarah Discaya, aminadong binili ang isang luxury car dahil natuwa siya sa payong

MGA MEMES AT REAKSIYON NG NETIZENS

Dahil hindi na nawawala ang pagsulpot ng memes sa tuwing may mga seryosong usapin o isyung pinag-uusapan sa social media, hindi rin ito nakaligtas sa "malikhaing" pag-iisip ng Pinoy netizens.

Isa na riyan ang paghirit ng mga netizen kay Kapuso comedy genius Michael V na gawan daw sana ng parody o iskit sa longest-running gag show na "Bubble Gang" ang kontrobersiyal na contractor.

Si Michael V, ay kilalang komedyante, aktor, mang-aawit, manunulat, at direktor sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang “Bitoy” at itinuturing na isa sa pinakamatagumpay at respetadong haligi ng Philippine comedy.

Kilalang-kilala siya sa kaniyang pagiging multi-talented: mahusay siyang bumuo ng mga parody ng kanta, magpatawa gamit ang matalinong banat, at gumanap ng iba’t ibang karakter sa mga programang gaya ng Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Dahil sa kaniyang husay at kontribusyon sa industriya, nakamit niya ang bansag na “Comedy Genius” ng bansa.

Habang nagaganap ang hearing sa Senado kay Discaya, napansin ng mga netizen ang tila pagkakahawig daw niya kay Bitoy.

Bagay na tila nakarating naman sa kaalaman ng Bubble Gang, kaya naglabas sila ng isang Facebook post kung saan makikita ang isang karakter na ginampanan ng komedyante.

Ang nabanggit na karakter ay si "Mr. Assimo," na nakasuot ng kulay puting damit, may suot na salamin sa mata, at maiksi ang buhok.

"Hiyang-hiya naman kami sayo 'no!" mababasa sa caption.

Bagama't walang tinukoy, ang mga netizen na mismo ang nagsabing baka "shade" ito sa kontrobersiyal na kontraktor.

Sa comment section, naghayag ng pagkasabik ang mga netizen sa posibilidad na gawan daw ni Bitoy ng parody ang naganap na senate hearing, at baka gayahin daw niya si Discaya.

KAUGNAY NA BALITA: Michael V 'nakaladkad' dahil kay Sarah Discaya: 'Gawan ng parody!'

Samantala, sa isang page naman na "We Are Millenials," ibinahagi ang screenshot ng komento ng dalawang netizen, na isang lalaki at babae, patungkol sa dami ng luxury cars ng mga Discaya.

Sabi ng isa, mas marami pa raw ang kotse nila kaysa sa briefs o underwear niya.

"mas madami pa ung kotse nya kesa sa brief ko," aniya.

Isang babaeng netizen naman ang sumegunda, "bra ko 3, kotse nya 28."

Agad naman itong shinare ng mga netizen dahil tila naka-relate daw sila.

SEARCH WARRANT NG BOC

Nitong Martes, Setyembre 2, sa bisa ng search warrant ay nagtungo ang Bureau of Customs (BOC) sa St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp. ng mga Discaya sa Pasig City upang siyasatin ang mga nabanggit na mamahaling sasakyan.

Sa isang panayam ng True FM ni Ted Failon at DJ Chacha kay BOC Chief of Staff Atty. Jek Casipit, sinabi niyang dalawa lang sa 12 luxury cars na sakop ng search warrant ng BOC ang nakita sa loob ng bahay ng pamilya Discaya.

“May nakita kaming dalawang units right now. ‘Yong Land Cruiser at Maserati Levante ‘Yong iba, hindi namin nahanap. Wala po kaming makita rito," ani Casipit.

Ang 12 luxury cars na hinahanap nila ay wala raw record sa ahensya kung kaya ito ay iniimbestigahan.

Samantala, nanawagan ang publiko ng transparency at pananagutan mula sa mga kinauukulan.

KAUGNAY NA BALITA: Naglaho ibang luxury cars? BOC, 2 luxury cars lang ng mga Discaya ang nakita

KAUGNAY NA BALITA: BOC, pinasok construction firm ng mga Discaya para maghain ng search warrant vs luxury cars

Inirerekomendang balita