December 15, 2025

Home OPINYON Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Si Kristo ang tunay na diwa ng Pasko

#KaFaithTalks: Si Kristo ang tunay na diwa ng Pasko

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging relihiyoso, kung saan kahit na anong sitwasyon o kalagayan, patuloy nilang pinanghahawakan ang pananampalataya. 

Ang panahon ng Kapaskuhan ay isang mahalagang pangyayaring nakaukit sa kalendaryong Kristiyano na nakatuon sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesukristo, ang ating Tagapagligtas. Ito ang panahon kung saan inaalala ng mga mananampalataya ang pagdating ng Anak ng Diyos sa sanlibutan bilang katuparan ng pangako ng kaligtasan.

“Sa araw na ito, isinilang sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.” - Lucas 2:11

Si Hesus ay Diyos na nagkatawang tao para iligtas ang sangkatauhan, ikaw, ako, tayong lahat, mula sa kamatayan dala ng kasalanan. 

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na nagluluksa para sa atin

Sinalo ni Hesus ang sakit ng latigo, koronang tinik, at pagpasan at pagkakapako sa krus. 

Dahil ayon din sa Bibliya, ang kabutihan ng Diyos ang nagtutulak sa mga tao para talikuran ang kasalanan. 

Kung kaya naman, bilang pagsisimula ng “Christmas Season,” tandaan na ang kapanganakan at sakripisyo ni Kristo ay higit pa sa mga kuwentong naririnig sa simbahan o tradisyon na naipasa ilang siglo na ang nakararaan. 

Ang kuwento ni Kristo ay isang patunay na sa kaniyang piling, may kaginhawaan, kapatawaran, at buhay na walang hanggan. 

Sean Antonio/BALITA