December 13, 2025

Home BALITA National

Customs, nakumpiska na 12 luxury cars ng Pamilya Discaya

Customs, nakumpiska na 12 luxury cars ng Pamilya Discaya
photos courtesy: Bureau of Customs

Nakumpiska na ng Bureau of Customs (BOC) ang 12 luxury cars ng Pamilya Discaya nitong Martes ng gabi, Setyembre 2. 

Kasunod ito ng isinagawang search operation ng ahensya sa St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp. sa Pasig City nitong Martes ng umaga.

Maki-Balita: BOC, pinasok construction firm ng mga Discaya para maghain ng search warrant vs luxury cars

Unang naiulat na dalawa lang sa 12 luxury cars na sakop ng search warrant ng BOC ang nakita sa loob ng bahay ng pamilya Discaya.

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

“May nakita kaming dalawang units right now. ‘Yong Land Cruiser at Maserati Levante ‘Yong iba, hindi namin nahanap. Wala po kaming makita rito," ani BOC Chief of Staff Atty. Jek Casipit sa isang panayam.

Ang 12 luxury cars na hinahanap nila ay wala raw record sa ahensya kung kaya ito ay iniimbestigahan.

Maki-Balita:  Naglaho ibang luxury cars? BOC, 2 luxury cars lang ng mga Discaya ang nakita

Nauna na ring tiniyak ng BOC na mananagot ang sinumang tumulong sa pagtatago ng iba pang mamahaling sasakyan ng mga Discaya. 

Gayunpaman, kinumpirma na ng ahensya na nakumpiska na nila ang 10 pang luxury cars.

Ayon kay Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang pito (7) sa mga luxury car ay isinuko umano sa kanila at kasalukuyan na itong nasa compound ng St. Gerrard Construction. Kabilang dito ang Rolls Royce Cullinan 2023, Bentley Bentayga, Mercedes Benz G-Class (Brabus G-Wagon), Mercedes AMG G 63 SUV 2022, Toyota Tundra 2022, Toyota Sequoia, at Cadillac Escalade ESV 2021.

Habang ang tatlo (3) pang luxury cars—Mercedes Benz G 500 SUV 2019, GMC Yukon Denali SUV 2022 (Gas), at Lincoln Navigator L 2024—ay kasalukuyang nasa talyer at nakatakdang isuko sa BOC.

Pormal na ring sinelyuhan ng Customs ang mga sasakyan at babantayan ito ng kanilang mga tauhan at ng Philippine Coast Guard (PCG).

"With all twelve (12) luxury vehicles now accounted for, the BOC continues to verify their importation records to determine compliance with customs laws. Should discrepancies be established, appropriate enforcement and legal actions will be undertaken pursuant to the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA)," saad ng BOC sa isang pahayag. 

Inirerekomendang balita