Pinasok na ng mga miyembro ng Bureau of Customs (BOC), Philippine National Police (PNP), at barangay ang St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp. sa Brgy. Bambang, Pasig City para maghain ng search warrant kaugnay sa luxury cars ng mga Discaya, nitong Martes, Setyembre 2.
Kasunod ito ng pag-amin ni Sarah Discaya sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Setyembre 1, na mayroon silang 28 luxury cars.
Ayon kay BOC Chief of Staff Atty. Jek Casipit sa isang panayam sa radyo, dalawang beses nilang sinubukang maghain ng search warrant nitong Lunes ng gabi ngunit aniya hindi sila pinapasok.
"This morning, we went again to serve, hindi naman nag-resist ang may-ari ng property at pinayagan po kaming pumasok," saad pa niya.
Maki-Balita: Car dealer ng luxury car ng mga Discaya, sangkot sa smuggling—Senado