Patuloy ang pag-iral ng southwest monsoon o habagat na nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA ngayong Martes, Setyembre 2.
As of 5:00 AM, partikular nakakaapekto ang habagat sa Katimugang bahagi ng Luzon, Kanlurang bahagi ng Visayas, at Hilagang bahagi ng Mindanao.
Patuloy ring minomonitor ng weather bureau ang low pressure area (LPA) sa layong 865 kilometers East of Northern Luzon, at maliit ang tsansa nito na maging bagyo. Kumikilos ito pa-hilaga at palabas ng Philippine Area of Responsibility.
Ngayong araw, makararanas pa rin ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng Northern at Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, at MIMAROPA.
Maulap na kalangitan din ang inaasahan sa western section ng Kabisayaan habang "generally fair weather" naman sa nalalabing bahagi ng bansa ngunit asahan pa rin ang localized thunderstorms.