December 17, 2025

Home BALITA

Wawao Builders sa kanila umanong ghost projects: ‘I invoke my right against self-incrimination’

Wawao Builders sa kanila umanong ghost projects: ‘I invoke my right against self-incrimination’
Photo courtesy: screengrab Senate of the Philippines

Hindi nagustuhan ng ilang senador ang mga naging sagot ni Wawao Builders owner Mark Allan Arevalo hinggil ghost project na kinasangkutan ng kaniyang kompanya sa isyu ng flood control projects.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control project nitong Lunes, Setyembre 1, 2025, hindi nasagot ni Arevalo ang tanong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kung may ghost project ang Wawao Builders sa Bulacan.

“Can you answer yes or no? Ghost project,” ani Villanueva. "It's a yes or no answer sir. Wow! You don't even know? You're looking for your lawyers, wow!" 

“Your honor, I invoke my right against self-incrimination,” ani Arevalo.

Metro

Guro sa Tondo, tiklo; nangmolestya ng estudyante, testigo pinilit pang kumain ng ipis!

Bunsod nito, nagpahayag na rin ng reaksiyon si Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada.

“Ano? Can you repeat your answer? Can you repeat your answer Mr. Arevalo?” ani Jinggoy.

Pag-uulit pa niya, “The question of the majority flood leader is very simple. Do you have any ghost projects? Any of the areas here in the Philippines.”

"Dahil may mga usapin po na kakasuhan yung mga kontraktor ng DPWH po at parte ng Senado na magrekomenda na maghain ng kaso sa resource person, ang payo ng aking abogado ay huwag magsalita sa panahon na ito dahil anumang pahayag ko sa pagsisiyasat na ito…” saad ni Arevalo.

Bago pa man matapos ang pahayag ni Arevalo, muli siyang pinaamin nina Estrada at Villanueva kung sangkot ang kaniyang construction firm sa anumang ghost projects, partikular na sa Bulacan.

“Vine-verify pa po namin your honor kung mayroon po talaga,” sagot ni Arevalo.

Matatandaang batay sa naunang pagdinig ng Senado sa nasabing imbestigasyon ng naturang proyekto, nasiwalat na mayroon umanong bilyong proyekto sa flood control ang hinawakan ng Wawao Builders sa Bulacan.