December 13, 2025

Home BALITA National

Vico Sotto sa pagdinig ng Senado kay Discaya: 'Ipatawag din pati ang Mistermind'

Vico Sotto sa pagdinig ng Senado kay Discaya: 'Ipatawag din pati ang Mistermind'
photo courtesy: Pasig PIO (Facebook), Senate of the Philippines (YouTube)

'Hindi lang si misis!'

Nagbigay-pahayag si Pasig City Mayor Vico Sotto hinggil sa naganap na Senate hearing patungkol sa maanomalyang flood control projects, kung saan kabilang si Sarah Discaya sa mga ipinatawag sa Senado.

Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Setyembre 1, inusisa ng mga senador si Discaya patungkol sa flood control projects nito sa Department of Public Works and Highway (DPWH) at mga pagmamay-ari nitong luxury car. 

Kaugnay na Balita: Interview ni Discaya kung saan sinabing pumaldo siya sa DPWH, spliced video lang daw?

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Maki-Balita: Sarah Discaya, aminadong binili ang isang luxury car dahil natuwa siya sa payong

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Sotto sa live streaming ng Senado patungko l sa nasabing hearing. 

"Live now. (Rewind lang ng konti.) Mamaya lista natin lahat ng mga... sabihin na lang nating "inaccuracy" sa mga sinabi nila.. Based on documents, records, and their own words. Tandaan sana nila na under oath ito sa Senado," saad ng alkalde.

Giit pa niya, dapat hindi lang daw si Sarah ang ipatawag sa Senado kundi pati ang mister nitong si Pacifico "Curlee" Discaya. 

"Sana sa susunod ipatawag din hindi lang si Mrs kundi pati ang Mistermind," ani Sotto.

Matatandaang kabilang ang dalawang pang kompanya ng mga Discaya na Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corporation sa top 15 contractors na pumaldo umano sa flood control projects batay sa impormasyong isiniwalat mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..

Basahin: KILALANIN: Sino-sino may-ari ng 15 contractor companies na pumaldo sa pondo ng flood control project?